Jaber, SevenJc, Ica, Yayoi – Umuwi Ka Na (LDR SONG)


Nasan ka na ba? matagal pa ba?

ang hihintayin ko para muling makasama ka

‘Di man tayo sanay nung una’y ating tyinaga

Hindi bibitaw hanggang muling makayakap ka

Oras man natin ay laging salisi at ‘di kita makita

‘Di ka man mapuntahan kapag nagtotoyo ka

Kahit sa cam lang nagkikita at laging bitin pa

Hindi nagrereklamo’t laging iintindihin ka

Dahil nangako ako sayo pati kay tita

Na pagbalik mo dito ako ng bahala diba?

Madami mang malapit ay hindi na lilingon pa

Agwat man ay malayo ay malabong pagpalit ka

Kasi nga dagat lang naman ang pagitan

Tiwala sa isat-isa’y dito masusubukan

Kailangan lang siguro ang pasensya ay habaan

Kakapit pa rin kahit na distansya ang kalaban

 

Nagtitiis sa oras na ‘di tayo magkasama

‘Wag kang mag-alala pagbalik mo ay

Ikaw pa rin at wala akong iba

Hihintayin ka kahit minsan nakakainip na

Bilisan mo lang pwede ba?

Umuwi ka na

 

Hinihintay ko ang pagdating mo

Sabik sa mga yakap at halik mo

Nasan ka na ba? lagi na nag-aabang

Ang makita lang kita ang tangi kong inaasam

Kahit nasa malayo ka pa puso mo’y dala-dala

‘Di na magbabago pa at ‘wag kang mag-alala

Umuwi ka na, yan ang laman ng mga dalangin ko

Mahal kita kahit malayo man ang pagitan mo

Dinggin sana mga hiling, makasama kang muli

Makapiling ka ulit, makasabay sa pag-gising

Yan ang aking dalangin

Regalo ka na sa’kin kaya di’ka sasayangin

 

Nagtitiis sa oras na ‘di tayo magkasama

‘Wag kang mag-alala pagbalik mo ay

Ikaw pa rin at wala akong iba

Hihintayin ka kahit minsan nakakainip na

Bilisan mo lang pwede ba?

Umuwi ka na

 

Kanina pa ako sayo nag-aabang

Ng tawag mo at para bang nahihibang

Ako ay atat na makausap ka

Marinig ang boses mo

Nami-miss ko na mga lambingan,

Mga kiss at yakap mo

‘Di makapaghintay sa’yong pagbabalik

‘Di na mapalagay, ako’y nasasabik

At sa oras na tayong dalawa’y muling magkatagpo

‘Di na hahayaan na tayong dalawa’y muling magkalayo

 

Nagtitiis sa oras na ‘di tayo magkasama

‘Wag kang mag-alala pagbalik mo ay

Ikaw pa rin at wala akong iba

Hihintayin ka kahit minsan nakakainip na

Bilisan mo lang pwede ba?

Umuwi ka na (umuwi ka na, umuwi ka na)

(Umuwi ka na, umuwi ka na)

 

Matagal ka pa ba? nakakapanibagong mag-isa

Wala ‘kong magawa, maghihintay na lang na bumalik ka

Lagi kitang nami-miss

Konti na lang baka hindi ko na rin matiis ‘to

Bakit kasi ang bilis?

Nasanay pa naman akong lagi kang nandito

Nakakainis ka, nakakainip na

Nakakabaliw pala pag ‘di kita kasama

Pagdumating ang oras na umuwi ka na

hindi na’ko papayag na mawala ka pa

 

Nagtitiis sa oras na ‘di tayo magkasama

‘Wag kang mag-alala pagbalik mo ay

Ikaw pa rin at wala akong iba

Hihintayin ka kahit minsan nakakainip na

Bilisan mo lang pwede ba?

Umuwi ka na (umuwi ka na, umuwi ka na)

(Umuwi ka na, umuwi ka na)

Nagtitiis sa oras na ‘di tayo magkasama

‘Wag kang mag-alala pagbalik mo ay

Ikaw pa rin at wala akong iba

Hihintayin ka kahit minsan nakakainip na

Bilisan mo lang pwede ba?

Umuwi ka na (umuwi ka na, umuwi ka na)

(Umuwi ka na, umuwi ka na)

Umuwi ka na


More on Ica