J-black – Malaya Ka Na


Nalulungkot pa rin
Lumuluhang nakatingin sa mga larawan natin
Tinatanong ang sarili
Kung bakit sa akin ‘to nangyayari

Ano nga ba ang pagkukulang ko
Para bigla mo lamang iwanan
Pinagpalit ng dalawang taon
Sa panandalian mong kaligayahan bakit
Mo ito nagawa may nagawa ba ‘kong mali
Pero kung sa kanya ka na masaya ay

Pinapalaya na kita
Alam kong sa kanya ka na masaya
Masakit man ito para sa akin ay
Kakayanin ko ‘tong mag-isa
Wala nang akong mang aabala
Wala ng mangungulit pa sayo
Mula ngayon ay malaya ka na
Wag kang mag-alala
Ok lang ako

Sa mga oras na ‘to kung nakikinig ka may gusto ‘kong sabihin
Hangad ko pa rin na sana’y lumigaya ka sa napili mong ibigin
Kahit ako na ang s’yang masaktan kahit ako na ang s’yang mahirapan
Kahit pa labis na ikakadurog ng puso ko ang hiling mong kalayaan
Sige ibibigay ko kung doon ka magiging masaya
Naisin ko man na ika’y ipaglaban pero wala na akong magawa
Dahil ikaw na rin mismo ang s’yang tumataboy sa akin ng palayo
Kaya’t wala na ring saysay na ipagpilitan ko pa sarili ko sayo
Dahil ngayon ibang tao na ang dahilan ng mga pag ngiti mo
Ngayon ay di na ako ang s’yang naghihintay at sumusundo sa pag-uwi mo
Ngayon ay di na ako ang iyong niyayakap at iyong nakakatabi
Ngayon di na ako ang kumakamot ng likod mo kapag nangangati
Ngayon ibang tao na ang kapalitan mo ng mga matatamis na mensahe
Yung salitang mahal na mahal kita sa ibang tao mo na sinasabi
Pero ang masakit na parte ay di ko alam kung aking makakaya
Ang bitawan ko at palayain ang tao na gusto ko pang makasama

Pinapalaya na kita
Alam kong sa kanya ka na masaya
Masakit man ito para sa akin ay
Kakayanin ko ‘tong mag-isa
Wala nang akong mang aabala
Wala ng mangungulit pa sayo
Mula ngayon ay malaya ka na
Wag kang mag-alala

Di ko alam na darating ang ganito na tuluyan na kitang bitawan
Masakit man ito para sa akin pero alam ko na yun ang kailangan
Mananatili ka pa rin sa puso ko yan ang palagi mong tatandaan
At kung tayo pa rin sa bandang huli ay tadhana na ang gagawa ng paraan
Ingatan mo sana ang sarili mo hinding hindi kita malilimutan
Mahal na mahal kita mamimiss ko lahat lahat ng ating mga lambingan
Salamat sa mga oras na pinadama mo na ako ay merong halaga
Maging maligaya ka sana hanggang sa muli mahal ko

Malaya ka na


More on J-black