IV o Spades – Sariling Multo (Sa Panaginip)


Sa panaginip ko
Ikaw ang nakakasama
Sa bawat agos ng salita
Dala ang damdamin kong sawa

Pikit matang titingin
Sa patay na bituin
Sana pigilan sandali ang sandali
Upang takasan lahat ng takot ko

Sa araw-araw ko
Ikaw ang nakakausap
Ang luha kong nag-aabang
Laman ang tinagong kalungkutan

Pikit matang dadalhin
Kapayapaan hihingin
Paano ba pigilan ang ikot ng mundo?

Sa awiting ‘to
May magtataka
Kung magbago man ako
‘Wag sanang umalis

Panalangin ko
Iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot
Sa sariling multo

Sa araw-araw ko
Ikaw ang nakakalaban
Ano man dakong puntahan
Sabay tayong mahihirapan

‘Wag ka sanang bumitaw
Bantayan bawat galaw
Nang hindi magtampisaw
Sa lungkot at luha ng ulan

Panalangin ko
Iwanan ninyo ako
Dapat bang matakot
Sa sariling multo

Tama bang itago ‘to?
Sana magising na ‘ko
Tama bang itago to?
Sana magising na ‘ko

Tama bang itago ‘to?
Sana magising na ‘ko

Tama bang itago ‘to?
Sana magising kayo

Tama bang itago ‘to?
Sana mapansin niyo ako


More on IV of Spades