Issa Rodriguez – ‘Wag


‘Di ka raw masyadong magaling

O eh ba’t sinusubukan mo pa?

‘Di ka naman daw kaakit-akit

O eh bakit ka nagpapaganda

Oh hindi naman sila mauubusan ng mga ganyang salita

Pero ba’t hanggang ngayon ay tuloy pa ring nagpapadala?

‘Di ka ba nagsasawa makinig sa mga boses na patuloy kang binababa

Diba alam naman natin na

 

Chorus:

Ikaw ay ikaw at Ako ay ako

Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila

‘Wag na ‘wag na ‘wag kang papahila pababa

 

Ilang beses na ba ‘to nangyari

O ba’t ‘di ka pa nadadala?

Ilang beses pa ba madadale

Bago magpakumbaba?

O kailangan ba talaga na lahat na lang ay ‘yong pinupuna

Lahat tayo dito sigurado may kanya-kanyang dinadala

‘Di ka ba nagsasawang manakit ng mga kapwa mong wala namang ginagawa

Diba alam naman natin na

 

Chorus:

Ikaw ay ikaw at Ako ay ako

Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila

‘Wag na ‘wag na ‘wag kang papahila pababa

 

Mas maingay ang mga walang masabing matino

Gamitin mo boses mo para i-angat ang kapwa mo

Masyado nang maraming negatibo sa mundo

Hindi ba pwedeng pairalin ang puso?

Mas maingay ang mga walang masabing matino

Gamitin mo boses mo para i-angat ang kapwa mo

Masyado nang maraming negatibo sa mundo

Hindi ba pwedeng pairalin ang puso?

 

Chorus:

Dahil Ikaw ay ikaw at Ako ay ako

Kahit ano pa man ang sabihin sa iyo

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila

‘Wag na ‘wag na ‘wag kang papahila pababa

 

Ikaw ay ikaw at Ako ay ako

Pantay-pantay lang tayong nilagay sa mundo

Kung wala kang nakikitang kabutihan sa kanila

Mas mabuti pang sa’yo na lang mag-simula

 

 

 


More on Issa Rodriguez