Immuko ng Mananabaz – Sa Dinami Dami


Sa dinami dami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw ang mundo
Ikaw lamang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang iisipin
Nandito lang ako para sayo

Di ko lubos akalain
Na mahuhulog ang loob ko sayo
Kase, simula pa lang nung una ay nakakairita
Sira na ang araw ko pag nakikita kita
Di ako komportable pag ika’y malapit sakin
Parang pakiramdam araw araw mamalasin
Kinain ko lahat ng mga sinabi ko
Pasensya ka na sa mga inasal ko
Kung sino pa yung nilalait ko yun pala ang iibigin ko

Pwede pala
Pwede pala, umibig sa tulad mo

Sa dinami dami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw ang mundo
Ikaw lamang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang iisipin
Nandito lang ako para sayo

Simula pa lang bwisit na sa pagmumukha laging napupuna
Hindi na nakakatuwa pag titig mo pa lang napupuna
Sunod ka ng sunod di ba natututo ha
Kailan ka ba titigil ako sayo’y napupuno na

Alam ko sa sarili ko na mahaba ang aking pasensya
Pero bakit pag nasisilayan ko gusto ko ng hampasin sya
Sa buong buhay ko di ko pinangarap na makapiling ka
Luh grabe sya itigil mo na ang imahinasyon ate feeling ka
Sa lahat ng babae na nakilala ko ikaw ang kinaiinisan
Kusa ka lang lumitaw na para bang Genie kahit di pa kinikiskisan
Kung sino pang pinagtatabuyan mo puro lait ang natatamo
Ngunit sa kabilang banda nandyan pa rin para sayo

Pwede pala
Pwede pala, umibig sa tulad mo

Sa dinami dami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw ang mundo
Ikaw lamang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang iisipin
Nandito lang ako para sayo

Umalis ka na saking harapan di na kita kailangan
Mali gusto kita dapat pala kitang iningatan
Di ka karapat dapat sa akin king *** mo
Mga salita na dapat sana’y di mo tinamo
Di kung sino sino lang babaeng pinipili ko
Kung saan saan pa ako naghanap ikaw din pala ang babaeng pipiliin ko
Layuan mo na ako di na kailangan ng paliwanag
Yun ang masamang katauhan kong binigyan mo ng liwanag

Panahong binalewala ko sya bale wala lang sa kanya
Sa tindi ng sakit di ininda inintindi diin man sya
Simula’t sapul ikaw yung laging nandyan
Minsan na akong naligaw pero ako’y iyong natagpuan, salamat

Pwede pala
Pwede pala, umibig sa tulad mo

Sa dinami dami ng babae ikaw ang napili
Sayo ko lang gusto na manatili
Kahit magunaw ang mundo
Ikaw lamang ang babaeng aking iibigin
Palagi mo sanang iisipin
Nandito lang ako para sayo


More on Immuko ng Mananabaz