Ica, Sevenjc & Still One – Selos Ka Na Naman


Lagi na lang tayong nag aaway

Dahil sa kakaselos mo

Walang palya matik kada araw

Siguro yan na ang bisyo mo

 

Bakit ka palagi na nakasimangot

Ano na naman ang nasa isip mo?

May dumaan lang na pogi

Tumingin lang konti salubong na naman ang kilay mo

 

Ano ba naman bakit ka ganyan?

Tinamaan na naman ako ng tupak mo

Makikipagbiruan pag sinaksya ko naman

Ikaw pa ang pikon lakas ng toyo mo

 

Pero kahit na ganyan ka

Di ko naisip ipagpalit kao

Sa buhay ko ikaw lang ang nag iisa

Oh! aking sinta

 

Selos na naman talaga ngang pambihira

Bakit ba lagi nalang saking nanghihinala

Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo

Ikaw lang ang mahal tinatak na sa isip ko

 

Kahit na anumang mangyare mahal

Ikaw pa rin

Ipanatag mo na ang isip hinala ay tanggalin

Pagkat mahal na mahal kita

 

Bakit panay ka ba selos

Bakit panay ka hinala

Di ka ba nakuntento sayo ko

Tinapos aking pagkabinata

 

Naku naman, yan na naman

Mahabang usapan na naman ‘to

Puro bintang na kesyo daw hindi lang daw sya

Ang mahal ko, grabe na ‘to

Di ko alam kung paano kita papakalmahin

Telepono ko at ang fb ko kinaadikan mong kalkalin

 

Mga reply at mga tawag  at mga oras  ng aking text

Di mo parin pinaglagpas mga dating mensahe ng aking mga naging ex

 

Tindi mo bes! pati ba yan?

Dahilan ng matinding pagseselos mo

Pero kailangan ko ‘tong tiisin

Dahil ikaw ang aking ginusto

 

Kaya sige lang, ungkatin mo kaya ko pa naman magtimpi

Pagselosan mo nadin yung first crush ko ng elementary

Sige adikan mo, mawili ka diyan

Sino bang mahihirapan, lahat ng mga mapatingin sakin

Sige lang iyong irapan,

 

Alam mo yan, wag mong isiping ugali mo ay

Hindi ko maabot

Mahal na mahal mo lamang ako

Kaya gusto mo akong ipadamot

 

Selos na naman talaga ngang pambihira

Bakit ba lagi nalang saking nanghihinala

Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo

Ikaw lang ang mahal tinatak na sa isip ko

 

Kahit na anumang mangyare mahal

Ikaw pa rin

Ipanatag mo na ang isip hinala ay tanggalin

Pagkat mahal na mahal kita

 

Selos na naman talaga ngang pambihira

Bakit ba lagi nalang saking nanghihinala

Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo

Ikaw lang ang mahal tinatak na sa isip ko

 

Kahit na anumang mangyare mahal

Ikaw pa rin

Ipanatag mo na ang isip hinala ay tanggalin

Pagkat mahal na mahal kita

 


More on Ica