ICA & Sevenjc – Ilalaban Parin Kita


Bakit parang kay bilis lang mo kong iwan nang biglaan

Mahal pinatunayan mo lamang wala nang sasay ang pagmamahalan natin na

Binuo, tinayo ngunit wala na

Umalis, lumayo bakit sawa na (sawa na)

Gulong gulo ang isip ko, bakit iniwan mo ako

 

Ngunit mahal ilalaban pa rin kita

Kahit pa na masaktan mahal kita

Di ako susuko kahit pa mabigo

Sa kanya ay babawiin kita

 

Di ko kaya na magmahal ng iba

Sa buhay ko ikaw lang nagpasaya

Iwanan mo sya, sakin bumalik ka

Ako na lang ulit pwede ba?

 

Di ko alam kung bakit ganito ang mga nangyayare

Mas pinili mong ilihim di man lang sakin sinabi

Ako’y nagtataka binalot ako ng katanungan

Nasan na ba? Nasan kana ang dating kasintahan

 

Mga pangako mo sakin bigla nalang naglaho

Parang ika’y nag iba na, nakakapanibago

Gustong imulat ang mata baka nananaginip lang

Gisingin nyo ako kasi para akong nahihibang

 

Ganito pala pag nasasaktan kana

Unti unting nadudurog ang puso ang sakit pala

Kung alam ko lang di ko sana ‘to na hinayaan

Ng mahulog ng lubos at minahal ka ng lubusan

 

Pero di ko kaya na dayain ang aking puso

Ikaw ang nilalaman kahit sinaktan mo’t niloko

Pwede mo bang  layuan , pwede mo bang layuan

Mahal ang iyong kalaguyo

Pwede bang ayusin natin kung anuman ang gumuho

 

Mahal ilalaban pa rin kita

Kahit pa na masaktan mahal kita

Di ako susuko kahit pa  mabigo

Sa kanya’y babawiin kita

 

Di ko kayang magmahal ng iba

Sa buhay ko ikaw lang nagpasaya

Iwanan mo sya, sakin bumalik ka

Ako nalang ulit pwede ba?

 

Mahal ilalaban pa rin kita

Kahit pa na masaktan mahal kita

Di ako susuko kahit pa  mabigo

Sa kanya’y babawiin kita

 

Di ko kayang magmahal ng iba

Sa buhay ko ikaw lang nagpasaya

Iwanan mo sya, sakin bumalik ka

Ako nalang ulit pwede ba?


More on Ica