Ica – M.U Lang Pala

Bakit ba ako nasasaktan mga luha’y di mapigilan

Ngayon nagtatanong kung bakit pumayag sa walang kasiguraduhan

Bakit mo ba sinimulan kung aalis ka rin naman

Iiwan mo lang pala ‘ko ng luhaan ,bigla ka na lang di nagparamdam

Bakit mo ba pinakita na ako’y mahalaga

Ngayon ako’y nagdurusa dahil iniwan mong di pa handa

Bakit mali bang hanapin ko kung may lugar ba ako sa puso mo

Para san pa ba ang lahat ng ito kung di naman naging tayo

Sa una lang pala ang pag ibig mo

Ang pinaramdam mo unti unti ko nang nalalaman na di pala totoo

At kung di mo sana ako sinanay sa pag ibig na di tunay

Di na sana nasaktan at nabigo

Sana pala ng una palang iniwasan ko na aking nararamdaman

Kung una palang nalaman ko na ako pala ay  ‘yong paglalaruan

Di na sana ako naniwala sa lahat yong pinapakita

Para di na ko umasa na magiging tayong dalawa

Ako naman tong tanga

Basta sinabi mo pupuntahan kita kahit anong oras pa

Kahit delikado na basta makasama lang kita

Mali palang hanapin ko dahil walang lugar sa puso mo

Para san pa ba ang lahat ng ito kung di naman naging tayo

Sa una lang pala ang pag ibig mo

Ang pinaramdam mo unti unti ko nang nalalaman na di pala totoo

At kung di mo sana ako sinanay sa pag ibig na di tunay

Di na sana nasaktan at nabigo

Gusto ko lang na malaman mo na may damdamin din ako

Hahanapin mo lang kung kailan mo lang gusto

Kaya minabuting umiwas na lamang sayo

Kahit pa na masaktan saking paglayo

Bakit pa ba pinaibig pa pinuyat mo lang

Di naman pala tayo sa isa’t isa

Bakit umasa pa sa salitang ‘di katulad ng iba’

Kahit ano pang sinabi ko

Walang karapatang magalit sayo

Oo dahil sino ba naman ako kung di naman naging tayo

More on Ica