I Belong To The Zoo – Ingat


Kung maibabalik ko lang
Ang nakaraang nakalipas
At kung mababawi ko pa’ng
Mga panahong ika’y kasama

‘Di na siguro binitawan
Kung ‘di naman kayang magpaalam

Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libu-libong alaalang
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad

Kung nakita lang noon
Ang tunay mong halaga
Sana’y ikaw pa rin ngayon
Ang tangi kong kayamanan

‘Di na siguro binitawan
Kung ‘di naman kayang magpaalam

Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libu-libong alaalang
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad

Paliparan
Siya’y pigilan
At kung ‘di man
Ipagpaliban
Kanyang paglisan

Wala nang magawa upang pigilan
Wala nang dahilan upang hindi pakawalan
Dala ang libu-libong alaalang
Magtatapos sa isang salita
Wika ko sa iyong paglipad
Wika ko sa iyong paglipad
Ingat


More on I Belong To The Zoo