Gloc-9 – Tanan (feat. Lirah)


Bakit hindi
Ka naman dumating
Sinadyang biguin
Mo ang aking hiling

Bakit hindi mo ako hinintay
Kailangang ibigay ko ang aking kamay

Sa taong hindi ko naman minahal
Ngunit di nag tagal kami ay kinasal

Bakit hindi
Ka naman dumating
Sinadyang biguin
Mo ang aking hiling

Alam kong hindi boto sakin ang iyong mga magulang
Kasi kung ano mang meron akong kokonti ay kulang

Perang laman ng pitaka ko ay kay bilis mabilang
Sasahod nako sa lunes kaya puwede nang mangutang

Pero kahit langit kat lupa ako alam mo
ngayon lamang ako nag lakas loob ng ganito

Lalo na nung naramdaman kong may pag asa ako
Pakiramdam ko ay kayang kaya kong buhatin ang mundo

Ayun na nga pinayagan mo akong sunduin kita
Hawakan ang iyong kamay kahit nakatingin sila

Kitang kita ko ang aking saya sayong mga mata
Wala tayong pakialam sa sasabihin ng iba

Tuwang tuwa ka sa mga regalo kong di mamahalin
Kahit na sa mumurahin ay sabay tayong kumakain

Akoy nag papasalamat kahit na di madasalin
Pero bakit nag iba yata ang ihip ng hangin

Hanggang isang araw parang iniiwasan mo ako
Hindi na kita masilayan kahit na sa bintana nyo

Ilang linggo ang lumipas
Nagbakasali ako
Buti nalamang at sinagot mo na rin ang tawag ko

Bakit ka umiiyak ano bang dahilan
Parang awa mo na Susan sabihin mo naman

Narito ko para sayo kahit na ano pa yan pero
Di ko inasahan ang kanyang naging kasagutan

Gusto akong ipakasal ng aking ama sa iba may hihilingin ako sayo sana ay pumayag ka

Bago mag simbang gabi dun sa lumang talipapa sasama na ako sayo basta hihintayin kita

Dali dali akong umuwi hinakot ang damit
Dalawang maong limang kamiseta kaso isay punit

Ngunit ang mundoy sadya nga yatang napaka lupit
Dahil kaming dalaway di na magkikita pa ulit..

Patawarin mo ako kung nag hintay ka ng matagal
Inabot ka na ng lamig ngipin moy nangatal

Parang tarak ng kutsilyo na hindi mo matanggal yan ang sakit pag tinalikuran ka ng iyong Mahal

Mabuti na rin yun siguro kasi tingnan mo naman maayos ang iyong buhay at inyong kinalalagyan

Sunod sa layaw ang inyong tatlong anak may laruan
Hindi ko kayang ibigay
Ang ganyang karangyaan

Ang meron lamang ako dito ay pag ibig na tunay
Babantayan ka habang ikay nag gagayat ng gulay

Suot ang bigay kong duster
Luma nat kupas ang kulay
ng telang kasing lambot ng buhok mo na naka lugay

Sa gabi alam kong hindi ka nya pinapansin
Ayaw ka nyang alagaan pero bakit inaangkin

Parang isda na bilasa sa palengke mumurahin
Doon ka nya hinahambing
Tuwing ikay naglalambing

Ayaw ko na sanang sabihin sayo ang mga ito
Pero baka ito ang susi ng katahimikan ko

Nong gabing magkikita tayo
Papunta na ako
Kaso dinukot ako ng mga tao ng Ama mo

Ginapos akot itinago sa tambakan ng gulong
Pinag hatian ang baon nating bibingkat puto bungbong

May piring aking mata
Nang marinig ko ang bulong
Isang malakas na putok ang sa ulo koy dumagundong

Tumatagas ang alaala kinaladkad sa Paa
May isa tiningnan pa kung di nako humihinga

Puwing na lupa at bato sa aking mga mata
Bakit ito ang sinapit at napunta ka sa iba

Lagi mo akong kasama masaya narin ako
Na may isang natupad sa mga kahilingan ko

Marahil ay nag tataka bakit alam ko lahat to
Ang bangkay koy nakalibing sa ilalim ng bahay nyo..


More on Gloc 9