Gloc-9 – Ibat-ibang Banka (feat. Monty Macalino)


Iisang BAGYO

Pero ibat ibang BANGKA

Sadya bang GANITO

Walang MAGAGAWA

Pahupain ang HANGIN

Patilain ang ULAN

Sa iisang BAGYO

Pero ibat ibang BANGKA

NG iisang BAGYO

Pero ibat ibang BANGKA

I

Hampasin man ng mataas na alon ay di matinag

Kumapal man ang ulan laging may malakas na sinag

Hinahawi ang daan

Ang lambat ay puno ng bihag

Mga huli na markado ng sugat na humihilab

De makina hindi sagwan

Andar ay mabilis

Mga pagkaing tinatapon kahit na hindi panis

May bubong may silid

Kaya walang umaalis

Taga luto taga ligpit at meron ding taga walis

Madalang ang mumurahin mamahalin ang labanan

Ilan lang ang may pambili bakit nagkakaubusan

Lahat sunod lang ng sunod kasi maraming utusan

Ako na po ang mag dadala bilin yan ni kapitan

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala

Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw

Ang iba namay basa

Dito sa iisang bagyo

Pero ibat ibang bangka

II

Limasin ang tubig na pumapasok sa butas

Di mo puwedeng inumin maaari lamang pang hugas ng

Lumot at kalawang malamang tuyo na bukas

Ganyan sana kasiguradong hinahanap na lunas

Bakit di pantay ang  katig

Sa kalumaan na rin

Mga sumasakay na kumapit na rin sa patalim

Kapag malayo ka sa laot maalon at madilim

Ang yong mga sigaw ay parang ibinulong na daing

Na sinasalo ng hangin na tila naliligaw

Ang layag na puno ng pag asat hindi bumibitaw

Sa isinaing mong pangarap na tila nahihilaw

Parang taga ka ng taga kahit itak mo ay bingaw

Habang ang ilan ay saganat marami ang wala

Pudpod na telang may apoy gasera para mangapa

May kumot kapag maginaw

Ang iba namay basa

Dito sa iisang bagyo

Pero ibat ibang bangka


More on Gloc 9