Gloc-9 – Bahay ni Gloc-9


Chorus:
Kay sarap tumambay
Sa bahay ni Gloc9
Timpla ng kape
Sawsawan mo ng tinapay

Tama na ang away sayang lang ang laway
Tulong-tulong lamang dapat diyan tayo masanay

Verse:
Huwag mong hayaan na sabihin nila sayo kung ano ang mga hindi mo kayang gawin

Hayaan mo sila
Lahat tayo ay puwedeng mangarap dahil napakaraming bituwin

Di ka nila kilala
Walang makakahula kung gano kalakas ang kaya mong bunuin

Buhatin at dala
Kahit may naka harang ay laging aakyatin gigibain tatawirin
Basta may..

Refrain:
Sipag at tiyaga nang may mapala
Hindi puwede yung ngawa ka lamang ng ngawa

Punas ng mukha kapag nadapa
Taas lang ang pupuntahan pag nasa baba

Rap:
Kung gusto mong keso
Meron dyan sa ref
Manood ka lang ng TV para di ka mainip

Bawal ang mag mayabang pero puwedeng bumilib
Pihitin mo ang gripo
Hindi mo kailangang umigib

Kung gutom ka meron ditong kanin
Di lang bagong saing
Fried chicken ni gloc9
Kay sarap ulamin

Pagmamahal lang ang palaging naka hain
Hindi puwede dito ang mahiyain kasi

Chorus:
Kay sarap tumambay
Sa bahay ni Gloc9
Timpla ng kape
Sawsawan mo ng tinapay

Tama na ang away sayang lang ang laway
Tulong-tulong lamang dapat diyan tayo masanay

Refrain:
Sipag at tiyaga nang may mapala
Hindi puwede yung ngawa ka lamang ng ngawa

Punas ng mukha kapag nadapa
Taas lang ang pupuntahan pag nasa baba


More on Gloc-9