Geo Ong – Walang Bago

Minsan ba, di mo na alam ang gagawin mo

nagtatrabaho alas otso hanggang alas singko

Nakakapag pahinga ka lamang pagka linggo

pero bakit madalas ka paring salatin oh

Kahit alam mo naman na ikaw ay walang bisyo

Tinatawaran lahat makatipid lang ng piso

kung pupunahin mo tila parang may mali bro

nandiyan ka diba pare para sa pag asenso

Teka sino nga ba ang dapat na sisihin

tayo ba oh yung biglang pagtaas ng bilihin

Tumaas na ang lahat yung sahod mo ganun pa rin

kakarampot lang kapus parin kahit anong gawin

Ang tagal pa mag pasahod ni Boss “wag kang mainipin”

‘wag mainipin yung pamilya ko walang kakainin

Sa inyo oo, madali lang yan sabihin

kami para makaka kain kailangan mag paalipin

Sa inyo oo, madali lang yan sabihin

kami para makaka kain kailangan mag paalipin

 

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago… (walang bago)

Walang bago (walang bago…oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago (Walang bago)

Walang bago (walang bago… oh)

Araw araw walang bago ….

 

Hmm teka muna ‘lika dito sandali

‘di mo ba napapansin na parang meron nang mali

Alam naman natin nung ‘di ‘to madali

kailangan lang gawin para sa ilang libong salapi

Nakataya ang buhay ko kada uwi ko sa gabi

mga mahal ko pa sa buhay ay hindi ko katabi

Buti sana kung meron binipisyong malaki

sa trabaho kulang na sahod binibitin pa kami

Napakahirap talagang maging trabahante

bihira ka pa sa bihira mabakante

Bayad sa upa na malaki na balanse kaya

‘di ka pwede basta basta pakampante

Pambayad sa buwis pang kain pamasahe

papasukin ko na yan pare meron pa bang bakante

Ayos lang kahit na ako’y ‘di na mabakante

basta lang sa byahe ng buhay ay maka abante

 

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago… (walang bago)

Walang bago (walang bago…oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago (Walang bago)

Walang bago (walang bago… oh)

Araw araw walang bago ….

 

Pamasahe ko pang kain ko pambayad ng renta

tamang mabuhay nalang buhay ko wala nang kwenta

Kuryente tubig at plan ng telepono

marami pang iba na hindi sapat ang sinweldo ko

At alam mo kung ano pang mas nakaka badtrip

yung mga katrabaho ko na ang paplastik

Ganun na nga napunta pa ako sa among mabagsik

nagka sakit lang ako ‘wag na agad akong babalik

Mukhang kailangan ko na yata ng mentalidad na bago

mahirap ang mabuhay pag hindi ka nag trabaho

Pero para san ang buhay kung hindi ka masaya

tunay na ligaya ng buhay hindi na madama

Dahil sa mga patong patong mong obligasyon

ilan narin ang mga napabayaan mong relasyon

Ang kantang ‘to ay di para sa lahat ng mga tao

Para lang ‘to doon sa gusto na nang pagbabago what’s up!

 

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago (walang bago)

Walang bago (walang bago.. oh)

Araw araw walang bago

Babangon alas kwatro

Papasok sa trabaho

Mag aabang sa kanto

Araw araw walang bago… ( walang bago)

Walang bago (walang bago.. oh)

Araw araw walang bago

 

Babangon alas kwatro papasok sa trabaho

mag aabang sa kanto araw araw walang bago

Patanda na tayo nang patanda

lakas ng katawan natin pawala nang pawala

Lahat tayo mamamatay pag dating ng panahon

Kaya lahat ng gusto mong gawin gawin mo na ngayon

Mabuhay ka hangga’t may buhay ka pa

wala ka nang magagawa pag nasa hukay ka na…

Tandaan….


More on Geo Ong