Geo Ong – Huling Liham


Isang gabe kausap mo ang iyong nobya
Gaya ng dati sya ay iyong binobola
Nakaramdam ka ng init ng katawan
Hiningan mo sya ng vedio ng kanyang maselang harapan
Ang sabe nya “di ko pwede pakita to kanino man”
Sabe mo “promise pag tapos ko buburahin koyan”
Sabe nya “ayoko nga” nagpumilit ka paren
Nung sinabe mong “tiwala lang” napilitan syang gawen

Hanggang sa nagpadala sya ng videong hubo’t hubad
Nagsarili ka kaagad pagka-sent kumot agad
Pag tapos mong pagnasahan tinignan mo ulit sya
Tingin mona sa kanya e andumi-dumi nya
Naisip mong ipost online ang katawan
Nya na may malaswang caption at naka
Tag pa sya nung nakita nya umiiyak sya ng nagmamakaawa
“Tanggalin moyan please para mo nang awa”
Hanggang sa nagumpisa ng ilike ishare ng mga tao
Mga komentong bastos na hindi makatao
May mga naaawa at may mga natatawa
Nakita naren pati ng mga barkada
Nya, may kaybigan kumampe may kaybigang nanghusga
Di malabong katawan nyay sa libingan ang punta
May mga pinakita sa kamaganak nila
Yung mga taong masaya pag nakatapak sila

Kinabukasan ay pumasok sya sa paaralan
Halos lahat di mapigilan na syay pagtawanan
Hanggang sa nasa loob na sya ng kanyang klase
Tinatanong sya ng lahat tungkol dun sa nangyare
Pinatawag ang magulang nya ng guro nyang mabagsik
At pagtapos ng usapan sya pala’y pinatalsik
Pati magulang sya’y sinaktan dahil sa kahihiyan
“Diko anak yan sino bayan? diyos ko kadiri yan”
Pakiramdam nya ngayon sirang-sira na buhay
Kahit saan sya magpunta pinaguusapan sya
Iba’t iba ang naririnig nyang salitang masaket
Dahil sa kumakalat nyang balitang mapaet

Hanggang sa naisipan nya ng magpakamatay
Isinaksak sa tiyan ang kutsilyong hawak sa kamay
Pinuntahan sya ng magulang nya para bigyang gabay
Pero ang naabutan nila anak nilang patay
Humagulgol sa kakaiyak ang dalawang mag asawa
Kailan man ang anak nila’y dina makakasama
Dumating ang mga kamag-anak at mga kaybigan
Ang natatanging mga tao na kayang sandigan
Di makapaniwala ang lahat na isang buhay
Nanaman ang nawala at nalaman na lamang ng kanyan nobyo ang nangyare
Nang makita nya ang huling liham ng babae at ang sabe

Oo inaamin ko mali ang ginawa ko pero mahal ko
Mas mali nag ginawa mo nagtiwala ako sayo
Pagkat mahal kita baka pag diko ginawa
Maghanap ka ng iba tapos sa kabila ng lahat
Ay nagawa mo yun bagay na saatin lang dapat nakakalat na ngayon
Ilang taon ilang buwan din ang ating tinagal kung alam kolang di na
Ikaw ang aking minahal sa ginawa mo parang binawian mo nako ng buhay
Ang bigat bigat para akong nakabaon sa hukay
Wala na wala nakong mukhang ihaharap pati
Magulang ko di nako matanggap bilang anak
Hindi kona alam kung kakayanin kopa to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin kona to
Hindi kona alam kung kakayanin kopa to
Mas mabuti pa siguro kung tapusin kona to


More on Geo Ong