Geo Ong – Gising

Sa buhay ng tao ay normal lang naman sumabit
Kung sumabit ka sana naman wag ng gumamit
Pipilitin ngumiti kahit halatang balisa pakiramdam mo
Ikaw ang palaging nasa gitna Maya’t
Maya ang iyong tingin sa iyong kana’t kaliwa
Di makatulog kahit maghapon ka ng nakahiga
Tipong pag kargado ka di ka pwedeng mabigla
Matapik ka lang ng konti ika’y ready mandigma
Diba tama
Kung iisipin di astig ang tama
Di na nga tama nangyayari gumagawa ka pa ng di tama
Maling mali yan at kailan man di magiging tama
Ang magiging tama mo lang dyan tamang hinala kahit
Anong hithit mo dyan walang hiwagang mangyayari
Maniwala ka mas lalo lamang lalala yan pare
Wala, wala, wala walang mapapala
Mas lalo lang yan lalala pag hindi ka nakawala

Dose anyos na batang babae nagbebenta ng puri
Sa mura niyang edad ang dami na niyang suki
Bakit mo ginagawa yan iha para kay mama
Para hindi na sila magaway pa ni papa
Anong klase kang magulang kinaya mo yon
Sabog ka!
Habang anak mo hinahalay doon tama na tulog tulugan
Gumising na kayo ginagawa niyo na lahat makabili lang ng shabu
Pagnanakaw, panghoholdap
At pang bubugaw ‘bat giyang na giyang na ang mundo parang gugunaw
Ubos na ang mga ngipin at ang lalim na ng mata
‘Di ka ba pwedeng kumalma bakit ka lagi taranta
Pano na ung mga anak niyo pag nagkatokhangan
Makikita kayong may karatulang na wag tularan
Alam kong kaya niyo pa
Kaya niyo pang lumaban
May plano ang Diyos sa inyo wag niyo lang pangunahan

Binulag ng kaaway ang iyong paningin
Di mo nakita ang liwanag masyadong madilim
Ika’y lumapit inakit sa umanoy ng kasalanan
Habang nagkakasiyahan di mo namamalayan
Na ikaw pala’y nasa puder ng kasamaan
At wala na silang balak pang ika’y pakawalan
At pag kinapos at naghigahos lapit sa Diyos
Dahil ang pagibig niya sa atin ay laging taos
Aming Amang hindi mapanghusga, kailangan kita
Tulungan po ninyo akong maisalba sila
Ang buhay ay umiiksi hindi yan humahaba
Lahat tayo tumatanda hindi ka bumabata
Mahirap ang buhay kung iisipin mong mahirap
Kaya kahit tinatamad pipilitin kong magsikap
Kahit anong sitwasyon basta tama ginagawa mo
Wag matakot sa mga sasabihin ng ibang tao sayo


More on Geo Ong