Geo Ong – Breadwinner

Bakit ba ganito
Tanong ko lang, mahalaga ba ako sa inyo
Bakit parang ako lang ang may pasan nito
Pamilya ko nga ba talaga kayo
Sana’y, mahalin niyo rin ako, oh
Lahat ay gagawin ko, ooh
Para sa inyo

Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan
Pero bakit ganun, akoy inyong tinakbuhan
Ang anak niyo lamang ay yung matalino kong kapatid
Kahit sagot ko naman ang lahat pag tayo ay said
Mabait lang kayo Ma, Pa, pag may kailangan
Ang lambing niyo ah tatay tatayan? nanay nanayan?
Yan ang galawan na, inyong nakasanayan
Anak yung utang ko, kelangan ng bayaran
Ano po ba ang tingin niyo sakin? ha!? mayaman!
Pag wala ‘kong naibigay ako may kasalanan
Mga miyembro ng pamilya mo na abusado
Hingi lang ng hingi sayo, ayaw mag trabaho
Pag ‘di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama
Wala eh, pamilya mo kaya wala kang magawa
Kung lagi kayong ganyan, pa’no naman ako
Isipin niyo naman ako wag yung kayo lang ng kayo!

Lagi nalang ako, bakit ganto
Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo
Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko paring kayanin ‘to
Sana’y mahalin niyo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan
Sobrang sakit na pero pilit mo paring tinatakpan
Minsan hindi mo na alam, kung ano ang gagawin
Sa agos ng buhay na to san nga ba tayo dadalhin
Kasi nakakapagod ng huminga
Pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na
Ang tagal ko ng nabubuhay pero halos walang bago
Talunan parin ang tingin sakin ng mga tao
Kung buhay ang tawag dito, ayoko ng mabuhay
Gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay
Gusto nila kung ano sila dapat ganun kadin
Sa panahong ngayon tanong ko lang dapat ba yong gawin?
Walang nangangamusta, wala ring kumakausap
Pag pikit ko halos ayaw ko ng buksan ang talukap
Nakakapagod na, nakakapagod na
Buhay na bigay mo sakin saan nga ba ang punta? Diyos Ama

Lagi nalang ako, bakit ganto
Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo
Kung mahal niyo ako, hindi sana ganto
Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko paring kayanin ‘to
Sana’y mahalin niyo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan
Habangbuhay yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan
Sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba
Sa mundong to haharapin mo ang laban ng mag isa
Oo mag isa, nuon pa man ganun naman diba?
Kapag meron ka lang, tska lamang nandidiyan sila
Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto
Sasabihin pang parang di naman tayo magkadugo
Kadugo!? wag niyo naman sanang abusuhin
Porke kilala niyo ‘ko na masyadong masunurin
Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit
Hindi ko namalayan ako na pala nagamit
Pero ganun pa man, kahit sobrang galit ako
‘di ko parin makayanan na ipagpalit kayo
Dahil isa lang ang mundo bali baliktarin man ‘to
Kayo parin at ako pamilya ko parin kayo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko paring kayanin ‘to
Sana’y mahalin niyo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo
Kahit parang ako lang ang may pasan nito
Pipilitin ko paring kayanin ‘to
Sana’y mahalin niyo rin ako oh
Lahat ay gagawin ko para sa inyo


More on Geo Ong