Garth Garcia – Bakit Malungkot Ang Pasko


Ramdam ko na sa simoy ng hangin
Disyembre na ang pasko ay parating
Ramdam ko na ang lungkot nitong dala
Mga ‘di nabuburang alaala

Ang sabi mo ika’y magbabalik
Nakangiti at nag-iwan pa ng isang halik
Umaga na ng malaman ko
Nagbalik ka na sa tunay na mahal mo

Bakit malungkot ang pasko
Di ba dapat masaya ang mundo
Bakit naman sa lahat pa ng araw
Pasko pa ang napili mo ng ako’y iwan

Ilang pasko pa ang aking bibilangin
Gaanong luha ang kailangang pahirin
Ilang pasko ang dapat pang daanan
Upang magawa na kitang kalimutan

Bakit malungkot ang pasko
Di ba dapat masaya ang mundo
Bakit naman sa lahat pa ng araw
Pasko pa ang napili mo ng ako’y iwan

Sana sa paskong darating
Tadhana’y maawa na sa akin
Upang magawa na kitang limutin

Bakit malungkot ang pasko
Di ba dapat masaya ang mundo
Bakit naman sa lahat pa ng araw
Pasko pa ang napili mo ng ako’y iwan

Bakit naman sa lahat pa ng araw
Pasko pa ang napili mo ng ako’y iwan

Pasko pa ang napili mo ng ako’y iwan


More on Garth Garcia