Flow G – Unli


Bars
Wala wala wala wala wala
Multi
Wala wala wala wala
Wordplay
Wala wala wala wala wala
Metaphor
Wala wala wala wala
Autotune
Wala wala wala wala
Ex B
Baduy baduy baduy baduy baduy
Jejemon
Aruy aruy aruy aruy

Ngayon pa lang magpapaumanhin na ‘ko
Kasi baka ulo nyo masira ko
Maninipa ko ng mga nagsabing mahina ako
Makinig kayo bihira to

Madalas na marinig sa kanta na pakilig kase malikot ang diwa ko
Iba yung pinapakita ko para di nila makita na may tira ako
Di nakita nyo madulas ang dila ko
Kaya pagka pumitik klaro kung usapang linya naman ay mabisa
Kaya gusto nila na makabisado bleeh

Di man ako magaling kumanta pero hindi to pipiyok kasi nag iisa ako
Pag ako sumargo kalat sigurado kahit lapis lamang ang gawing tako
Buti na nga lang nakangiti pa ko kahit ang dami na nilang mga ngiting aso
Inaasinta ako kaso di sila asintado kaya di ako apektado

Iba mag isip kasi laking kanto papatol lang ako pag kikita ako
Kaya minsan lang na maging gago pag yung kabaliwan ko binisita ko
Kung usapang multi mabuti na lang naparito ka halika papakita ko
Dami ko kasing itinabing bago kung susumahin siguro animnapung sako

Tyaka balita ko galing sa bibig nyo madali kamo o sige gawin nga to
Pag hindi nyo nagawa ay para nyo na ring inaming di nyo kaya na itumba ko BARS
Nasa top na mga flip hindi marunong magdamit inuuna yung salawal sa brief
Lahat galing galingan at baliw baliwan para mapansin ulit pag di na sila click

Mga barbero na hindi marunong maggupit dinadaan lang sa kulit para masabing malupit
Pare pareho na yung trip para san na yung barang masakit
Bibilib lang ako pag nailapat nyo sa beat
Madaming magagalit dyan pero bago makalapit matik yan punit punit

Teka nagagalit yan walang avid fan at wala ring fans sa piso net
Kitang kita lang naman yung difference sa kanila pag kami gumawa hindi pilit
Kung sino pa yung mga silhouette nagpapanggap na matigas pero galawang impotent

Pero yung mga legit nakakasama ko sa pic kasi nakakasama ko sila sa gig
At yung mga naiinggit hindi sila makadikit kasi hindi nila maamin na nabibilib
Kaso halata na kid mga galaw na weak hinding hindi kayo masasagip
Sa makatuwid may pag asa lang sila makatawid pag yung pangalan ay kung saan saan ikakabit

Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib alam kong hindi nyo to inexpect
Inakala nyong gawa ng intsek kaya wala kayong ideyang ganito kalintik
Kahit na sa mga liblib kumakalat ang pangalan namin na binitbit
Habang yung mga gumigitgit ay nakakalat kaya minsan parang ang sarap nila iligpit

Puro parinig kala nyo di ko naririnig madalas kasi hindi na lang ako umiimik
Matagal na panahon ko nang gustong mangalabit kaso iniisip ko may bata na nakikinig
Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit at unlimited kahit yung bawat titik ay hindi tinitipid
Nagdidikit dikit ngayon mag iisip ka kung bakit ganito ako mag isip hindi nagigipit

At kahit na nakapikit nakadilat o tirik man mata wala ka ng masisilip na incorrect
Isipin mo na lang kung pano ko sinet tahi tahi yung salita parang napunit ang damit
Ito na yung katotohanang masakit na nung kami umentra yung mga bida ay naging extra
Nagmukha silang napag iwanan ng petsa eto yung ebidensya laki ng diperensya


More on Flow G