Floramie – Delicadeza


Sabi nila pwede na raw ang babae ang manliligaw
Dahil di na uso ang mahinhin at sa bahay ay dinadalaw
Hinaharana’t kinakantahan susuyuin pati magulang
Eh ngayon kahit sa text pwede ng magka developan

At sabi pa nga malaya tayong gawin ang anumang bagay
Dahil tayo’y nasa bagong panahon halos wala ng bawal
Tulad ngayon na gusto kita pero tila ‘di mo makita
Ang damdamin ko sayo pwede bang aaminin ko na

Eh kung sasabihin ko ba sayong mahal kita wala ng duda
Magiging tayo na bang dal’wa sa piling ko di na aalis pa
Ngunit mas mararapatin kong ikaw pa rin ang maunang magtapat
Dahil ang katulad kong Pilipina’y may Delicadeza

Kahit pa nga nagbago na ang takbo ng ating buhay
Sa modernong panahon nawawala na ang dating kulay
Ng pagliligawan pagsusuyuan na sa cellphone na lang idinadaan
Pwede bang makisabay na rin ng di mapag-iiwanan

Eh kung sasabihin ko ba sayong mahal kita wala ng duda
Magiging tayo na bang dal’wa sa piling ko di na aalis pa
Ngunit mas mararapatin kong ikaw pa rin ang maunang magtapat
Dahil ang katulad kong Pilipina’y may Delicadeza

At kung magkatugma ang pag-ibig nating dalawa
Hihintayin kita sa bahay ipapakilala kina tatay
Huwag kang mag-alala di naman strikto sina kuya
At baka magiging barkada mo pa’t maging close sa’king pamilya

Eh kung sasabihin ko ba sayong mahal kita wala ng duda
Magiging tayo na bang dal’wa sa piling ko di na aalis pa
Ngunit mas mararapatin kong ikaw pa rin ang maunang…
Magtapat dahil ang katulad kong Pilipina’y
Magtapat dahil ang katulad kong Pilipina’y
May Delicadeza

Delicadeza…


More on Floramie