FERODINA – Muling Nakita Ka


Muling nakita ka sa aking panaginip

‘Di na nabubura ngayon sa aking isip

Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising

Heto ngayo’y nag-iisa wala ka sa aking tabi

 

Nais kong malaman kung maaari pang

Maka-usap kahit tipong tayong dal’wa lang

‘Di na makatulog sa kaka-abang

Kung magbabalik ka ba o sobra kong hibang

 

Ultimo sa pagtulog ako’y sinusundan

Ng ala-ala nating kay hirap sadyang kaligtaan

Umaasang maibabalik pa ang nakaraan

Walang mawawala kung susubukan lang naman

 

Muling nakita ka sa aking panaginip

‘Di na nabubura ngayon sa aking isip

Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising

Heto ngayo’y nag-iisa wala ka sa aking tabi

 

Tadhana’y mapaglaro nandito ka ngayon

Nais kang lapitan parang dating tayo nun

Kung pwede lang kaso ‘di na tayo ganun

Nakakalungkot ang wala ng pagkakataon

Respeto at pinanghawakan kong desisyon

Nating dalawa na wakasan ang relasyon

Hanggang dito na lang ako, pagmamasdan ka

Habang papalayo akong kasama dati nating ala-ala

 

Muling nakita ka sa aking panaginip

‘Di na nabubura ngayon sa aking isip

Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising

Heto ngayo’y nag-iisa wala ka sa aking tabi

 

Muling nakita ka sa aking panaginip

‘Di na nabubura ngayon sa aking isip

Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising

Heto ngayo’y nag-iisa wala ka sa aking tabi


More on FERODINA