Feel Day – Pila


Nasa pila na naman kanina pa nandito

Maghapon nang nag-aabang ng pagkakataon

Eh bakit ba nagtitiyaga pang maghintay ng walang hanggan

At bakit pinagpipilitan ko pa rin na magbakasakali lang

 

Ang taong nasa harapan maganda ang kanyang gupit

At ang nasa likod naman ay sadyang pangit

Eh sorry kung sinasabaw na itong laman ng ulo ko

Oh pagbigyan mo na kasi kanina pa ako naghihintay dito para lang sayo

Kanina pa ako nandito nag-aabang na mamalayan mo

Kanina pa ako nandito naghihintay sayo

 

Sumasakit na’ng aking tiyan hindi pa kumakain

Pwede ko bang malaman man lang kung aabot pa sa akin

Eh sorry kung nasusungitan ka hindi ako ganyan kanina

eh kasi nauubos na ang aking pasensya at para bang ayaw ko nang maghintay sayo

Kanina pa ako nandito nag-aabang na mamalayan mo

Kanina pa ako nandito naghihintay lang sayo

 

Habang ko na lang ba maghihintay ako sayo

Pagkat hindi umiikli ang pilang humahati sa ating mundo hanggang ngayon

Kanina pa ako nandito, kanina pa, kanina pa ako

Kanina pa ako nandito nagmamahal sayo

 

 

 

 


More on Feel Day