Exzel – Kung Sana


Sa bawat nagdaan na magkasama
Na magkahawak kamay habang nakatawa
Sa tuwing tinititigan ‘di na mapigilang panggigilan pa magandang labi mo
‘Pag napapangiti ka napapahawa
Na parang sa akin ay hindi ka nagsasawa
Ngunit ‘di na mapigilan
Isipin sa gabi kung naalala mo ba
Noong nasa tabi ka’t nakakayakap pa
Kahit na wala sa tono
Dam’hin at aking aawitan ka
Alam mo ba
Nung napagod kana natauhan na
Nadarama ng todo
Hapdi na naidulot ko kaya

Kung sana’y nandiyan ka lang
Tanging nais ko’y ipadama
Bagay na hindi ko nagawa
Kung sana’y nandiyan ka lang
Nangangako na hindi ko sasayangin ang pagmamahal

Nang minsan pagmulat nitong aking dalawang mga mata
Nagulat sa mismo na bukas nang tuluyan kang mawala
Mistulang nagduyan sa’king kalungkutan na ‘di ko mapawi
Hanggang sa hindi ko lubusang naisip dahil sa nagkulang na nga
Pakiwari ko ay naririnig tulad dati bago mahihimbing
Tipong mga panahong ‘di pa inaasahang magsasawa
Dahil sa hindi pagpansin sayong napupuna kahit na sabihing natuto na
Sa mga bagay na malabo na na maitama sa ngayon at ‘di na mabubura

Lambing ng tinig mo habang ika’y nasa bisig ko
Muling damhin mo ang init ng ating pag-ibig
Halintulad sa nag-iisang tanging magandang panaginip
Lamang mababawi luha sa mga mata
Habang yakap aawitan ka kaya tahan na

Kung sana’y nandiyan ka lang
Tanging nais ko’y ipadama
Bagay na hindi ko nagawa
Kung sana’y nandiyan ka lang
Nangangako na hindi ko sasayangin ang pagmamahal

Kung sana’y nandiyan ka lang
Tanging nais ko’y ipadama
Bagay na hindi ko nagawa


More on Exzel