esseca – Paborito


Kay tagal na kitang ‘di naririnig

Ang dami ko pang gustong tanungin

Sa’yo sana kaya kong harapin, harapin

Iniisip ko palagi kung ayos ka na ba

Kung ikaw ba’y may kasama o mahal na iba

Kung ikaw ay maligaya ‘pag kasama mo sya

Kasi nung dati kang makita ay nasaktan ka lang

Kamusta na ba si tita?

May bago ka na bang pinakilala?

At mas gusto nya ba yan na kasama

Kwentuhan habang nasa sala’t hawak ang kamay

Patago sa lamesa at magkaakbay gustong mag pa-umaga

Kung pwede lang ibalik pa ang oras ay uulit-ulitin ko ito

Ang mga labi mo

Ang paborito ko

Marami mang sumunod ay ikaw pa rin ang paborito

Mga sinabi mo

Tumatak sa puso ko

Marami mang sumunod ay ikaw pa rin ang paborito

Hindi ko maalis sa isip ko

Kung ba’t tanda ko pa mga kilos mo

Kung pano ka ba ngumiti at

Pano ba nawawala ang ‘yong mga mata kapag ikaw ay nakatawa

At pangako mo na tayo’y magiging mag-asawa pa

Kung malabo na maging tayo

Ay wag mo nang aminin pa

Masakit na aminin sa aking sarili

Na hindi ka na babalik pa sa akin

Kung pwede lang ibalik pa ang oras ay uulit-ulitin ko ito

Ilang taon ang lumipas

At nang aking mabalitaan

Napuno ng kalungkutan

Kasi ikaw daw ay nasaktan ko

Ang mga labi mo

Ang paborito ko

Marami mang sumunod ay ikaw pa rin ang paborito

Mga sinabi mo

Tumatak sa puso ko

Marami mang sumunod ay ikaw pa rin ang paborito


More on esseca