Eevezone, Joms, Tyrone – Mahal Ka Parin


Di pa rin ako nagbabago

Sabik pa rin sayo kahit wala ng tayo

Matagal tagal narin pala

Ang nakaraan nating dalawa

 

Hanggang ngayon ay ikaw parin

Ang laman ng puso ko

Aaminin kong mahal ka parin

 

Pinipilit kong ibaling sa iba

Pagmamahal kong di pa naiiba

Di ko makita sa iba pagmamahal mong pinadama

Ang bakas ng yakap mo hanggang ngayon dama ko pa

Kahit na madami ng nagtatanong kung bakit hanggang ngayon

Ay mahal parin kita

 

Di ba okay tayong dalawa pero di na pwedeng maging isa

Hanggang tingin na lang talaga

Pero okay lang tanggap ko na

 

Kaya humiwalay para maitama

Pagkakamaling di na itama

Tanggapin ko man oh ang biyaya

Kung di sayo matututong magpalaya oh!

 

Inaamin ko namana na mahal pa rin kita

Na kung palayain ka kasi gusto kong ika’y laging masaya

Kahit di sa piling ko kasiyahan ko ay ang kaligayahan mo

Salamat sa mga matamis na ngiti pag nakakasalubong tayo woah oh!

 

Minsan mahirap din paniwalaan

Ang mga bagay na di mo inaakala

Kahit iyan ay inaalagaan mo

Mawawala pa rin pala at ika’y iiwanan

 

Di pa rin ako nagbabago

Sabik pa rin sayo kahit wala ng tayo

Matagal tagal na rin pala

Ang nakaraan nating dalawa

 

Hanggang ngayon ay ikaw pa rin

Ang laman ng puso ko

Aaminin kong mahal ka parin

 

Kala ko makakalimutan ka

Sinubukan ko na lahat ng paraan para

Hindi na kita maalala

 

Nagtataka, kumakaba, sabi ko noon ayaw ko na

Pero nagkamali pala ilang buwan lang ang nakalipas

Gusto ng makita ka,

 

Ganyan pala ko wala ‘kong isang salita

Hindi ko kayang bitawan ka

Sorry sa nagawa

Mapapatawad mo pa ba ko, ngayong hindi na tayo

 

Sana umulan ng malakas

Sa oras na makita mo

Gusto ko ng lakas ng loob para sabihing

Mahal pa rin kita

 

Di pa rin ako nagbabago

Sabik pa rin sayo kahit wala ng tayo

Matagal tagal na rin pala

Ang nakaraan nating dalawa

 

Hanggang ngayon ay ikaw pa rin

Ang laman ng puso ko

Aaminin kong mahal ka parin

 

Bakit ganun aking akala makakaya ko namang mawala ka

Pero ngayon, mali na yata na sayo ay patuloy pang umasa

Alam mo ba na ako’y hindi na mabuo magmula ng ikaw ay mawala

At ang sakit na ang maibalik ka pa sakin ay hindi ko na magawa

 

Dahil akala mo ay natanggap ko na ang tayong dalawa ay tapos na

Ngumingiti pa rin ako kapag nadidinig ko mula sayo ang kamusta

Pero sa kada imahe mo mga larawan ang aking mundo aking nasisilayan

Bakit ganusto nating na mapabayaan ating relasyon na tuluyang bitawan

 

Bakit di kayang aminin sayo na laman ka ng mga dasal

Sa likod ng katotohanang aking dinadalangin muli ay iyong pagmamahal

Na tulad mo kung pu-pwede lang sana na ikaw ay muli pang makamtan

Pero sa tuwing makikita ka masaya na ramdam ko wala na akong karapatan

 

Na masakta at mahagkan ka at payakap

Kahalangan papangarapin dahil dama ko na sayo ako ay hindi kawalan

Pero pakatandaan kahit saan ka man makarating

Kahit ako pa ay nasasaktan, patuloy kang mamahalin

 

Di pa rin ako nagbabago

Sabik pa rin sayo kahit wala ng tayo

Matagal tagal na rin pala

Ang nakaraan nating dalawa

 

Hanggang ngayon ay ikaw pa rin

Ang laman ng puso ko

Aaminin kong mahal ka parin

 

Di pa rin ako nagbabago

Sabik pa rin sayo kahit wala ng tayo

Matagal tagal na rin pala

Ang nakaraan nating dalawa

 

Hanggang ngayon ay ikaw pa rin

Ang laman ng puso ko

Aaminin kong mahal ka parin

 


More on Eevezone