Earl Generao – Sumayaw (Sa Kanya-Kanyang Kwarto)


(Chorus)
Sama-sama tayong sumayaw
Sa kanya-kanyang
Sa kanya-kanyang kwarto
Sama-sama tayong sumayaw
Na parang mag-kasama tayo

(Verse 1)
‘Di mapakali
Gusto ng bumalik sa nakasanayan
(Nakasanayan)
Kada tapos ng buong araw na pagod
Sa trabaho’t eskwela
(Sa trabaho’t eskwela)
Magpapabango, poporma gamit
Bagong bili kong damit
Kada gabi, pupunta sa sayawan
Para magkita ulit

(Repeat chorus)

(Verse 2)
Kailan kaya ulit
Muling mahahawakan ang iyong kamay
(Kamay, kamay, kamay, kamay)
Iba’t-iba ang pangalan at pinanggalingan
Ngayon ay gumagalaw
(ng sabay, sabay, sabay, sabay)

(Repeat chorus)

(Bridge)
Nais ko na malaman mong
Mahirap para sa akin lahat ng ito
Na bawat oras na tumatakbong
Hindi nasisilayan ang iyong mundo

Ang tanging pinanghahawakan ko
Bawat araw na tayo’y magkalayo
Ay onti-onti nang lumalapit
Ang oras na tayo’y magkikitang muli

(Repeat chorus ‘til fade)


More on Earl Generao