Drick J, Lilp & J-King – Hiwaga


Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Ikaw ang pinaka magandang dumating sa buhay ko

Kahit alam naman nating mali ay di ko parin ititigil to

Sobrang sarap mo kasing kasama nalilimutan ko ang poblema

Kaya sana lagi nalang tayong ganito abutin man ng umaga

 

Parang laging may supresa kang dala

Kaya kahit di aminin makikita sa mata

Ibang ligaya na sayo ko lang naramdaman

Wala akong pakialam kahit meron pang masaktan

 

Masyado na yata akong tinamaan

Hindi mapigilan na ika’y iwasan

Ikaw ang gamot saking mga kalungkutan

Ikaw ang sagot saking mga katanungan

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Maraming nagsasabi sakin na iwasan na kita

Dahil di ka raw magandang halimbawa sa iba

Hindi nila alam kung ano nga bang meron ka

Tayo lang ang may alam kung ga’no ka kahalaga

 

Ipagtatanggol kita sa mundong mapaghusga

At sabay nating sisilayan ang umagang  kay ganda

Ikaw ay para bang halaman na hindi na lalanta

Na palagi kong dala kahit san pa magpunta

 

Nabibighani ang lahat kapag nalalasap ka

Mga gabi lumalamig kapag kayakap ka

Tuwing hindi na katabi ay hinahanap ka

Mga ngiti ay para bang nasa ulap na

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Kahit sabihin pa na ika’y tigilan na

Di ako nakikinig sa sinasabi nila

Ang mahalaga sayo lamang ako sumasaya

Sayo lang gumagaan pakiramdam ko kahit bumabagal ang takbo

Nang ikot ng mundo kahit na nalilito

pero gusto ko parin ang hiwagang dala mo

 

Marami sayong gustong makatikim

Gusto ka rin nilang matira ng palihim

Pero hindi nila kaya kang kuhanin di lahat tulad ng satin

Na laging magkasama dahil di ko kayang mawala sakin

 

Gusto lagi kang kasama gusto kang maging asawa

Kahit lagi kang kasama sayo’y di magsasawa

Kaya wag kana sakin magtamang hinala

Dahil sayo lang malakas ang aking tama

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

Kahit alam ko na mali ay iniibig ka

Nahuhulog sayong ganda pag tumititig ka

Kinikilig nalang bigla at sayo’y natutulala

Sa hiwaga mong dala ako’y nakukuntento na

 

………………………………………………………

 

 


More on Drick J