Drei Raña, Selena Marie – Paano Ang Simbang Gabi (Kung ‘Di Ikaw Ang Katabi)


Pasko na naman, mahal

‘Di ko namalayan

Oh kay bilis ng panahon

Parang kailan lang

 

Nung ika’y nagpaalam

At ako’y iyong nilisan

Dahil sabi mo ay may

Iba ka ng minamahal

 

‘Di ba’t sabi mo sa akin

Ako lang ang mamahalin

Ang nais mong makasama

Sa tuwing ika’y magsisimba

 

at sa pagsapit ng Pasko

Ako ay yayakapin mo

Sabay bulong Merry Christmas mahal ko

 

Oh kay lungkot naman

Ngayong wala ka na haahh

Paano ang simbang gabi

Kung ‘di ikaw ang katabi

Tanging hiling ko lamang

Sa Poong may kapal

Sana ngayong pasko muli

Ika’y makapiling ko

 

‘Di ko na maramdaman (‘di madama)

Ang simoy ng hangin (‘di na nga ba?)

Tila ‘di ko maintindihan

Ang himig ng awitin

 

Puso ko’y nananabik (nananabik)

At patuloy na umasa (sa isang araw)

Na isang araw ay babalikan

‘Di na lilisan pa

 

‘Di ba sabi mo sa akin

Ako lang ang mamahalin

Ang nais mong makasama

Sa tuwing ika’y magsisimba

 

at sa pagsapit ng Pasko

Ako ay yayakapin mo

Sabay bulong Merry Christmas mahal ko

 

Oh kay lungkot naman

Ngayong wala ka na haahh

Paano ang simbang gabi

Kung ‘di ikaw ang katabi

Tanging hiling ko lamang

Sa Poong may kapal

Sana ngayong pasko muli

Ika’y makapiling ko

 

Oh kay lungkot naman

Ngayong wala ka na haahh

Paano ang simbang gabi

Kung ‘di ikaw ang katabi

Tanging hiling ko lamang

Sa Poong may kapal

Sana ngayong pasko muli

Ika’y makapiling ko


More on Drei Raña