Down By 18 – Balik Sa Simula


Bawat minuto
Bawat segundong kasama ka
Kumpas ng oras ay
Tila babagal ‘pag andiyan ka na

Sa pagitan ng ‘yong braso
Ang tahanan ay ang yakap mo
Sa mundong hindi seryoso
Tanging ikaw lang ang totoo

Lumilipad ako, sinta
Sabihin mong mahal mo pa
Pasensya na, mahal kita
Baka sakali lang naman Bumalik sa simula
Bumalik sa simula

Tamis ng ‘yong halik
Kailan kaya muli matitikman
Sunod sa agos
‘Di makalimot, asa pa ba

Sa pagitan ng ‘yong braso
Ang tahanan ay ang yakap mo
Sa mundong hindi seryoso
Tanging ikaw lang ang totoo

Lumilipad ako, sinta
Sabihin mong mahal mo pa
Pasensya na, mahal kita
Baka sakali lang naman
Bumalik sa simula

‘Di papasakop sa lungkot na bumabalot
Hihiling kay Bathala
Na tayo’y, na tayo’y
Na tayo’y bumalik sa simula

Lumilipad ako, sinta
Sabihin mong mahal mo pa
Pasensya na mahal kita
Baka sakali lang naman
Bumalik sa simula
Bumalik sa simula


More on Down By 1