Don Barredo – Magka-ibigang Magkaibigan


Nagsarado na ang tindahan

Magkasama pa rin tayong nag kakantahan

Sa ilalim ng bituin sa kalawakan

Sa ibabaw ng gutter na upuan

Nagtatawanang nag ke-kwentuhan

Ng nakaraan, lumiligayang makita kang

Nasisiyahan

haaaaaa hmmmm…

Ang ilalim ng ngiti mo’y may laman

Naramdaman ang naipon mong kalungkutan

Tayong dalawa ay hindi man magkasama

Ang mahalaga tayo’y may masayang alaala

Kung may problema ka sa kanya

Tumawag ka

Ihahanda ko ng lamesa

Tayo’y mag sasaya’t patatahanin ka

Kahit tayo’y wala na

Tayo’y wala na

 

Umiiyak ang puso mo

Humihiyaw ang puso ko

Na sana’y tayo pang dalawa

O sana’y tayong dalawa

O sana’y tayong nalang dalawa

Tayong dalawa ay hindi man magkasama

Ang mahalaga tayo’y may masayang alaala

Kung may problema ka sa kanya

Tumawag ka

Ihahanda ko ng lamesa

Tayo’y mag sasaya’t patatahanin ka

Kahit tayo’y wala na

Tayo’y wala na

Tayo’y sana’y masaya

Ngunit tayo’y wala na

Tayo’y wala na

 


More on Don Barredo