Disktrack – Douglas


Pumasok ka ba sa aking panaginip para iparating sa akin nang tahanan ko’y makitid

Alam kong doon malilim lahat pwedeng gawin kahit maging salarin ligtas ka pa rin

Pero ayos na ako dito sa mundong puno ng pag-ibig

Sino bang nagsabing kalabaw lang ang ‘di napapagod

Na puno ng pawis ang balon ba’t di kami makasahod

Tanong ko kung bakit ba ganun kahit ‘di makati ay nakakamot

Sa palaro nyong barong-barong ang pangunahing nabuburo

 

‘Di ako natutuwa loob ko’y naluluwa wala pang kamatayan pero hawak na nila

Aking kaluluwa ‘di ko sinanla pero kala mo sa kanila kung ako’y pasunurin nila

Buti pa sila nakikiisa ang (?) ay alipin ka nga para sa mata ng kanyang ama

Kapalit ng mana at bangkay sa banga

 

Alak ang kasagutan na sa tingin nila ay napakainam

Makapagpadala nga ng mga liham pakadali lang

Ah sandali lang ‘di to pangkaraniwang panglalawigan may pamarisan

Sa pamagitan mapapakinggan ay bahagian ng kabaitan

Malamang ‘di ito aarukin kasi nga ‘di kita aalukin

Malamang dito ka antukin kasi nga hilig mo na batuhin

Ng mga hindi mo kayang abutin takot naman pagsasabunin

Sarap nyong pagpapapaluin dahil sagad na sa maruming gawaing iligal

Pati ba naman ibang bagay pagtitripan

‘Di na lang manatiling nakaupo para hindi na rin mahagingan

Layunin ko ay mapakinggan kahit na ako ay matahin lang

Umaalingasaw pa rin ang tunay na baho na ‘di nila kayang panindigan

 

 

 


More on Disktrack