Dionella, Dello, Flict G – Oo Na, Kayo Na (Agaw)


‘Di na’ko magpapakita

Dun ka na lang kung san ka masaya

Unti na lang at manhid na

Kaya sakit ay tatagal pa

 

Para maging manhid ako

Ewan ko ba kung mali ba ‘to

At kung sakali na makita mo

Ang tao na dati baliw sayo

Baliw pa rin naman ako

Lalo na at mas pinili mo na maging kayo

Para sayo kakayanin ang sakit na ‘to

Kaya ‘wag ka na nga mag alala

Para sa’kin ‘wag mo na ring paasahin

Kahit naging alanganin

Para sa’tin alam natin

Na ito ay dating laban natin

Ngayon ay ako na lang mag isa

Pero pilit kakayanin

 

Pwedeng bago sya lumisan

Pakiusap ko sana’y pakinggan

Oo na, kayo na

‘Wag mo ng ipamuka

Na naagaw mo sya

 

Kung yan talaga

Ang tinadhana sa atin

Hindi na para humadlang

Hayaan mong akuin ko ang lahat ng bigat

Para pasanin mo’y gumaan

‘Wag mo ‘kong intindihin kaya ko ‘to

Gusto ko ikaw ay maging masaya

Kahit ang kapalit nun ay iyong kahilingan

Mahal, na bitawan kita

Alam mo naman na gagawin ko lahat

Para maging maligaya ka lang

‘Di na’ko aasa sa’kin mo matatagpuan

Ang saya ng iyong inasam

At isa lang ang aking hiling

Aking dasal na sana’y alagaan ka nya

Kung may pumatak man na luha sayong mga mata

Ikakalungkot ko talaga

At sa bagong pag-ibig

Ng aking inibig

Sa’yong mga bisig

Iyong alagaan

‘Di na’ko sisingit

‘Di na ipipilit

Dahil sa aking isip

Pangarap na lamang

Lahat ibalik kahit ako’y sabik

Kanyang mga halik

Nagkaroon ng hangganan

At oo na, sige na

Kayo na, ‘wag mo ng ipamukha ng harapan

 

Pwedeng bago sya lumisan

Pakiusap ko sana’y pakinggan

Pwedeng bago nya ‘kong iwan

Pakiusap ko sana’y pakinggan

Oo na, kayo na

‘Wag mo ng ipamuka

Na naagaw mo sya

 

Mahirap nang tayong dalawa

Kaya sa’yo na lang sya

‘Di ba’t mahirap nang tayong dalawa

Kaya sa’yo na lang sya

 

Oo na, kayo na

‘Wag mo ng ipamuka

Na naagaw mo sya

 

Oo na, kayo na

‘Wag mo ng ipamuka

Na naagaw mo sya

 

Oo na, kayo na

‘Wag mo ng ipamuka

Na naagaw mo sya


More on Dello