Deyn, Yosso, Lopau, Yayoi – Paulit ulit


Paulit ulit

Paulit ulit

Paulit ulit

Paulit ulit na lang

Paulit ulit ang pag iibigan

 

Bakit ba paulit ulit mong sinasaktan ang puso ko

Di naman nadadala kahit nakakawawa

Ang mata ay lumuluha

Kahit naulit na ako’y lokohin mo

Sadyang ganun ka pala talagang mapaglaro

 

Tinitiis ko lang mga sakit na nadama ng lokohin mo

Walang pakialam kahit meron kang iba basta mahalin mo

Manhid man ako dahil ‘to sayo

Kasi ikaw ang mahal ko

 

Paulit ulit nalang ba ang nangyayare sa’ting dalawa

Kahit na masakit sa puso ko pinipilit tiisin ang hapdi

Ikinukubli nalang dahil nga sa mahal kita

 

Pwede ba tayong mag usap gusto ko yung malumanay

Pwede ba yung ganon kahit ngayon lang wag muna tayong mag away

Makinig ka naman kasi pagod na ako sayo magsayang ng laway

Ayoko lang na sa sakit na nararamdaman ay mas lalo pa tayong nasanay

 

Diba pagod kana sakin ganun din naman ako

Naghihintay nalang ako na ikaw yung magdesisyon lumayo

Parang ang hirap kasing araw araw na tayong ganito

Ibang iba kana sa dating ikaw yung babae na minahal ko

 

Nasan’ na yung taong laging iniisip ang aking nararamdaman

Nasan’ na yung babae na ang lahat ng oras sakin handang ilaan

Nasan’ na yung nagsabi na pupunuin lang namin ‘to ng pagmamahal

Nasan’ na yon pinalitan na ba talaga lahat ng pananakal

 

Alam mo ba, hirap na ako pero pinilit nalang kinakaya

Pero habang patagal ng patagal pakiramdam ko nalang dinadaya mo ako

Dahil sa pakiramdam ko na mag isa ko na ‘to na nilalaban

Ikaw na ang magdesisyon kung gusto mo na kitang hayaan

 

Paulit ulit nalang ba ang nangyayare sa’ting dalawa

Kahit na masakit sa puso ko pinipilit tiisin ang hapdi

Ikinukubli nalang dahil nga sa mahal kita

 

Maaari bang itanong sayo

Kung mahal mo pa ba ako

Dahil paulit ulit mo nalang sinasaktan ang puso ko

 

Gusto ko mang bitawan ka ka’y di ‘ko magawa dahil maahal kita

Tinitiis ko na lamang ang sakit dahil alam kong mababago pa

Ang sitwasyon nating dalawa kaya pwede bang

Pakisabi sakin kung may iba ng nilalaman ang ‘yong puso

At may ibang nakikisalo sa pag iibigan nating dalawa

Nating dalawa ahhhh oohhh dahil di ko yun kaya

 

Paulit ulit nalang ba ang nangyayare sa’ting dalawa

Kahit na masakit sa puso ko pinipilit tiisin ang hapdi

Ikinukubli nalang dahil nga sa mahal kita

 

Paulit ulit kong tinatanggap ang tulad mo

Kahit masakit na kahit mapait na ang mga dinadanas ko

Bakit di mo magawang palayain nalang ng tuluyan

Kasya ipagpatuloy pa pareho lang tayong mahihirapan

 

Sa ‘ting nilakarang daan nakikita ko na ang hangganan

Bakit pilit natin tinatahak ang mali

Kung pwede naman natin na wakasan

 

Bakit di magawang tigilan sa kasalan’y nagbubulag bulagan

Paulit ulit lang naman

 

Paulit ulit nalang ba ang nangyayare sa’ting dalawa

Kahit na masakit sa puso ko pinipilit tiisin ang hapdi

Ikinukubli nalang dahil nga sa mahal kita

 

Paulit ulit

Paulit ulit

Paulit ulit

Paulit ulit na lang

 


More on Deyn