December Avenue – Umaaraw, Umuulan


Hindi mo maintindihan
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan
Sa kaitaas-taasan, ngunit
Kaibigan
Huwag kang magpapasindak
Kaibigan
Easy lang sa iyak

Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
‘Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan

‘Wag kang maawa sa iyong sarili
Isipin na wala ka nang silbi
‘Sang dambuhalang kalokohan

Bukas sisikat ding muli ang araw
Ngunit para lang sa may tiyagang
Maghintay

Kaya’t kaibigan
‘Wag kang magpapatalo
Kaibigan
Itaas ang noo

Dahil wala ring mangyayari
Tayo’y walang mapapala
‘Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan

May panahon para maging hari
May panahon para madapa
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan

Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Umaaraw ohh
Umuulan…


More on December Avenue