Curse One & Vlync – Paano Ba


(Curse One)
Bakit ba kahit na lagi kitang inaalis sa isip ko ay di ko magawa
Tila ika’y naging aking araw at buwan
Pakiramdam ko’y laging lutang sa tuwing ika’y napapagmasdan
Sobrang saya na makasama kita walang iba
Tibok ng damdamin (Tibok ng damdamin ko), hiling ko’y mapasakin ka
Dahil iniibig kita di mo lang alam
Kaso pag inamin ko na baka balewalain mo lang
Ang walang katumbas na nadarama para sa’yo
Ganun ma’y lagi akong nasa piling mo

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Vlync)
Wala kong sinabi, kasi di ko masabi na ikaw ay gusto ko
Isip ko’y gulong gulo, kaliwa’t kanan ang bulong
Aaminin ko ba o kaya hayaan ko na lang baka magkagulo?
Baka iwasan mo ako mas lalong di ko kaya
Pinipilit ko saking isipan na itigil na’t tumigil na, baka hindi ako ang tipo mo?
Pakiramdam ko’y ako lang ang may pagtingin sa’yo kaya napapangunahan…
‘Di kaya natotorpe lang?
O sinasadya mo lang na di magparamdam?
Kasi hinihintay mo lang akong lumapit sa’yo
Paano ba to? Paano?

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

Bridge:
‘Di mo naman pahalagahan at balewalain mo lang ang nilalaan na
Pag-ibig na sa’yo naramdaman
Total nandito na rin lang naman aaminin na sa’yo
Kahit ano man ang dating sa’yo
Ang tanging gusto ko lang ay mapasakin ka

(Vlync)
Kahit na ano pa ang gawin ko
Kahit na san pa man magpunta (Tanging sa’yo lang ako)
Di ko lang talaga makuhang
(Curse One)
Sabihin sa’yo ang tunay na nararamdaman ng puso ngunit paano ba?
(Vlync)
Kung ako lang naman ang mayrong gusto sa’yo ngunit paano ba?
(Curse One)
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka balewalain mo lang

(Curse One & Vlync)
Balewala lang, balewala lang
Balewala lang, balewala lang
Balewala balewala lang
Balewala balewala lang
Kung ikaw ang inaawit ng puso ngunit di masabi dahil baka mabalewala lang


More on Curse One