Curse One – Pag-Ibig Sayo


Tuloy tuloy sa pag-awit, damdamin man ay mangawit
Hahamakin lahat magkalapit lang lupa at langit
Ikaw ang tulay, ay natangay sa tamis ng ngiti mong taglay
Aking tamlay naging sigla dahil sayo, it feels so right
Kislap ng ‘yong matang hinahatid ako lagpas himpapawid
Kaya kahit salita mo’y mapait ay hindi ko batid

Binigyan mo ng chansa, chansa para matanaw ang ganda, ganda
Mo naman tingnan kahit na saan pang banda, banda, banda

Tila nagkaroon na ng saya ng ikaw nang sumagi sa magulong isip ko
Simula ng ika’y nasilayan ay nagkaroon na ng maganda sa panaginip ko
Dahilan ng paggising ko laging nasa piling mo
Hanggang sa ito ay magkatotoo, asahang tibok ay hindi hihinto

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Sya ba ay kabigha-bighani? Yeah
Ganda nya’y natatangi? Yeah
Dahilan para harapin ang magandang kinabukasan kahit may suliranin?
Yung tipong pinadama nya sayong ikaw ay bituin at sya ang ‘yong kalawakan
While she keepin it tight di makitid ang isipan
Parang ang mga pangarap sabay abutin? Yeeeaaahhh yeah
Binibini mananatiling tapat sayo, sayo
Hindi ko sasayangin ang pag-ibig mo

Binigyan mo ng chansa, chansa para matanaw ang ganda, ganda
Mo naman tingnan kahit na saan pang banda, banda, banda

Tila nagkaroon na ng saya ng ikaw nang sumagi sa magulong isip ko
Simula ng ika’y nasilayan ay nagkaroon na ng maganda sa panaginip ko
Dahilan ng paggising ko laging nasa piling mo
Hanggang sa ito ay magkatotoo, asahang tibok ay hindi hihinto

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Ooohh, mga planeta ay nasakop mo
Dahil sayo, napuno ng melodiya ang buong mundo
Sa bawat araw, buwan, mga bituin
Lakas ng ‘yong dating sa puso kay sarap damhin
Imahinasyon at katotohanan riyalidad at mga pangarap
Sobrang ganda, kahit ‘di magtugma mga sumpa’t pagpapala
Wag mo sanang iisiping aking pinapabulaklak lang
Mga salitang ngunit kahit na ganun pa ma’y ayos lang aaayos lang
Dahil ang katotohanan lang ay nais kitang makamtan
Habang buhay, yan ang tunay
Dahil pag ika’y kasama na oh kay gaan ng nadarama
Napapaawit na lang ng lalala lala

Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]
Lalalalala lalalalala [Lalalalala lala]

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo

Sa tuwing napagmamasdan ko sa isip ko
Na magkasama tayong dalawa ang natatanaw ko ay
Sobrang ganda, sobrang saya sa piling mo’y walang katumbas, walang wakas
Pag-ibig sayo


More on Curse One