Crakky – Mainam

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman

(Pambihira) ‘Di na nakasimangot
(Bibihira) Na lang din makalimot
(Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Ang dali-daling gumana ang talab
Ng ngiti mo ‘pag tinititigan kita ang sarap
Pangarapin ang katulad mo kapag kausap
Na kita handa ‘kong magpuyat

Alam mo bang palagi na akong nag-aayos natutong alagaan
‘Yung sarili kasabay nu’n ay gusto kong magawa ‘yan
Sa ‘yo lalong nainspira kaya ‘wag kang magtaka
Kung bakit madali ko lang nasabi na mahal kita

Maganda’t ‘di maarte kahit bossy ‘yung dating
Ok lang kahit sabihin pa nilang a-ander-in
‘Di bale ang mahalaga ako ay mahal mo rin
Mapasaya ka lang pangako na lahat ay gagawin

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman

(Pambihira) ‘Di na nakasimangot
(Bibihira) Na lang din makalimot
(Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kapag kasama ka ayoko nang ma-blangko
Kasi gusto ko na mapangiti ka sa mga kwento ko
Hindi kita bibitinin laging papatawanin
Kasi misyon ko lang ay araw-araw pang pasayahin

‘Yung simple mong tinginan gusto kong iuwi ‘yan
Ang cute kasi kaya mas lalo kong tinititigan
Ang sarap isiping magkahawak ang kamay
Naglalakad at tila ‘di na maghihiwalay

Sabay tayong kakain palaging dadalhan kita
Ng mga paborito mo asahang ‘di mag-iiba
‘Di ko sasayangin ‘yung tiwala mong ibibigay
Basta sagutin mo lang ‘yon lagi kong hinihintay

Nakakabighani malayo man o malapitan
Nakaka-adik ka kaya ako’y palaging lutang
Mahal na nga kita, mahal nang ‘di mo alam
Kapag dumadating ka ang tingin sa ‘yo na naman

(Pambihira) ‘Di na nakasimangot
(Bibihira) Na lang din makalimot
(Aba mabisa) Pumipili ng sinusuot
Kasi naghahanda sa mas mainam mong oo’ng isasagot

Kung saan-saan ko na hinanap ‘yung pag-ibig
Pero nung nakita ka nagbago ‘yung paligid
Buong akala ko noon mahirap ‘tong gawin
Mula nung makilala ka iba na ‘yung tingin

Palagi kang aalalayan ‘di ko hahayaang
Pumatak ang luha sa mata mo kung kailangan
Nandito lang ako at isang tawag mo lang
Agad-agad pupuntahan kita kung nasa’n ka man

Bukod sa ikaw ay nag-iisa
Asahan mong wala ka nang kahati
Para sa ‘kin ‘di na titingin pa sa iba
Lahat tutuparin sagutin mo lang ng oo mo
Papatunayan ko sa ‘yong pag-ibig ko ay totoo

More on Crakky