Coi, Joms & Sevenjc – Maghihintay Sayo


Nalilito di ko na alam ang gagawin ko

Kasi pakiramdam ko nalulunod na

Pwede bang sagipin mo ako

Sa ulang malakas ay basang-basa na

Naghihintay na baka masilungan ang puso na umaasa

La la la la na na na…

Na na na..

 

Palaging na lang bang mag aabang sayo?

Dudungaw , sisilip sa bintana nyo

Kailan mo ba mapapansin

Ang lihim ko na pagtingin

Sana naman papasukin mo

Ang puso na umiibig sa iyo

Sana naman makita mo

Mahalin mo rin ang tulad ko woah!

 

Nababakasakali lang damdamin ay mapagbigyan

Tanging hiling ko lang naman ay makapiling ka

Ay makapiling ka…

Ay makapiling ka..

 

Nalilito di ko na alam ang gagawin ko

Kasi pakiramdam ko nalulunod na

Pwede bang sagipin mo ako

Sa ulang malakas ay basang basa na

Naghihintay na baka masilungan ang puso na umaasa

La la la la na na na…

Na na na..

 

Ano bang kulang? (Ano ba?)

Para maparamdam ko sayo

Kasi di naman to biglaan

Matagal ko ng pinag isipan

Dalawang taon mula noon, ngayon ko lang susubukan

Yung pakiramdam na gusto kong mabitawan

Inisip kong mabuti kung makikisali

Sa daming lalake na sayo’s bumabati

Palagi kunyare hindi lang masabi

Pagkat gusto ko manatili sayong tabi

Bakit kasi umaasa ako sa salitang mapapansin mo

Kung pwede naman kasi

 

Alam mo bang magdamag na ‘kong

Panay ang isip sayo

Halos mabaliw na

Nagtyatyaga na makita kahit na sa malayo ka

Yun ang ‘di mo alam

Laging nag-aabang

Pasulyap-sulyap lang oh woah!!

(Pasulyap-sulyap lang)

 

Nalilito di ko na alam ang gagawin ko

Kasi pakiramdam ko nalulunod na

Pwede bang sagipin mo ako

Sa ulang malakas ay basang basa na

Naghihintay na baka masilungan ang puso na umaasa

La la la la na na na…

Na na na..

 

Kay tagal na rin akong naghihintay

Gusto ko nakakusap kita ng matagal

Gusto ko ay tawagin mo na ako na mahal

Kasi ‘di ko na alam kong paano ba mapansin

Makita lang kita ay ‘di na alam ang gagawin

Gusto kita, yan ang nararamdaman ko sa iyo

Mahal kita, dahil yan ang laman ng damdamin ko

Hanggang kailan kaya ako aasa sa pag-ibig mo

Hanggang sulyap na lang ba ako?

Sana naman ay mapagbigyan mo

Sa panaginip na lang ba mayayakap ka?

Gusto ko lang naman na mahal ako’y pansinin

Bakit ‘di na subukan bigyan mo ng pagtingin

Pero ako ay…

 

Nalilito di ko na alam ang gagawin ko

Kasi pakiramdam ko nalulunod na

Pwede bang sagipin mo ako

Sa ulang malakas ay basang basa na

Naghihintay na baka masilungan ang puso na umaasa

La la la la na na na…

Na na na..

 

 


More on Coi