Clara Benin – Araw’t Gabi


Lumiwanag ang mundo nang ika’y nasilayan
Ako’y tuluyang napuno ng ligaya
Puso ko’y huminto nang ikaw ay lumapit
Parang pelikulang slow motion
‘Di alam ang gagawin
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Habang panahon ikaw ang may hawak sa akin
Araw at gabi

Oh kay sarap, kay sarap talagang mag-mahal
‘Pag alam mong mahal ka rin niya
Araw at gabi ikaw ang ninanais ng
Puso kong ngayon lang nagising
Mababalik ko pa kaya ang kahapon
Noong tayo’y mga batang walang alintana
Palawak nang palawak ang pagitan
Ano ba ang nangyari biglang nailang
Natuyo ang sanhi, sino bang masisisi
Sabik na sabik na ako sa mga ‘di mo sinasabi
Araw at gabi

Oh kay sakit
Masakit talaga ang mag-mahal
‘Pag alam mong mahal niya’y naglaho na
Araw at gabi ikaw ang ninanais ng
Puso kong ngayon lang nagising

Dumilim ang mundo ng ika’y lumayo
Ako’y tuluyang napuno ng lungkot

Puso ko’y huminto nang ika’y bumitiw
Parang pelikulang slow motion
‘Di alam ang gagawin
Araw’t gabi


More on Clara Benin