Chocolate Factory – Kriminal Minds


Di ka marunong lumaban ng patas
Mas lamang ka pa kay hudas

Bakit may mga taong di nakukuntento?
Ginagamit ang talino sa pagiging tuso
Gagong abusadong manloloko
Ano pa ba ang gusto mo?
Ngayon palang handa na ang kwarto mo sa impiyerno
At hinihintay ka na ng tatay mong demonyo
Na nagsabi sa’yo anak huwag kang magbago
Ibibigay ko na sa’yo ang aking trono

Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang kriminal
Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang criminal

Di ka marunong lumaban ng patas
Mas lamang ka pa kay hudas

Hudas, Barabas, Hestas
Ano ba ang tawag sa mga taong animo’y anak ni satanas?
Masahol pa sa ahas sa kamay panay ang hugas
Tatapakan ang lahat upang manatili sa itaas
Pinaglihi ka ba sa talangka?
Kakabigin mong lahat ang pinaghirapan ng madla
Bakit wala kang awa at pakialam na magdusa
Mga taong naniwala na ikaw ay kapamilya
Milyong milyong tiwala sinuklian mo ng luha
Sarili mong pamilya’y kinayang isumpa
Para lang mapagtakpan ang kapal ng iyong mukha

Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang kriminal
Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang criminal

Di ka marunong lumaban ng patas
Mas lamang ka pa kay hudas

Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang kriminal
Magnanakaw, mandurugas, balasubas
Isa kang criminal

Di ka marunong lumaban ng patas
Mas lamang ka pa kay hudas

Di ka marunong lumaban ng patas
Mas lamang ka pa kay hudas

Hudas x6


More on Chocolate Factory