Chito Miranda & Nicole Laurel Asensio – Poblacion


Naglalakad ako nung isang gabi
Nang madapa ako sa isang tabi
Pinulot ko ang bente singko sa kalye
Baka sakaling swertehin at manalo ng malaki

Sabi ko sa mamang may suot na maong
Sandali lang po manong pwede bang magtanong
Nawawala ang syota ko kanina pang “five”
Natatakot na ako I hope that she’s still alive

Sandali, teka lang patambay d’yan sa tabi
Pa-gin and tonic ka naman na pangpatawid
Mata’y silaw at tila napapapikit-pikit
Umiinit, umiikot na sa himpapawid
Napalingon sa kaliwa, ikaw ba yan o hindi?
Kamukha mo lang kasi, baluktot rin ang ngiti
Paligid ko’y unti-unting dumidilim
Dumudulas ang aking dila, bumibitaw ng lihim

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Pagdating sa engkanto, pagbukas ng pinto
Ako ay dumiretso at biglang lumiko
Pagtingin ko sa lamesa ay nakita ko siya
Tinapik ko sa balikat ngunit hindi pala

Nalason na ang utak ng paligid ko
Sari-saring usok, ingay, alak at likido
Naramdaman ko sa ‘king labi ay mayro’ng dumapo
Di na alam kung totoo o ilusyon lang ito

Sa dami ng babae sa paligid ko
Nahanap ko na rin s’ya at nagulat ako
Hinila ko s’ya sakin at ‘di nagskandalo
Sabay tanong, “sino ba yang hinahalikan mo?”

Nagising ako bigla, sino ka ginoo?
At may humila sa ‘king braso, yun pala syota ko
Galit na marahan n’ya anong tinanong
“Sorry, akala ko talaga’y ikaw” na lang nasabi ko

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Usok (umuusok)
Whiskey (whiskey)
Ikot (umiikot)
Labi (la-la-labi)
Patawad…
Baby (baby, baby)

O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing
O gapang lang
Malayo pang mararating
Ano ba’ng akala mo sa akin?
Hindi ako lasing

Hndldbutuhndrnbtu


More on Chito Miranda