Cash Koo – Dito Ka Lang (feat. Pk Dice)


Pwede bang dito ka lang dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang malaman mo na may pagtingin ako sa’yo

Pwede bang dito ka lang, dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang na malaman mo na may pagtingin ako sa’yo oh ho

 

Ano na? ano’ng oras mo na naman balak magparamdam

Nandirito lang ako sa amin  iniisip na baka ako’y iyong hanapin

Kasi parang malabo sa tuwing inaamin ang tingin malayo

Alam ko na masyado pa tayo na bata

‘Di ko na kasalanan kung maaga ang pana

 

Tinamaan ako araw araw kong sinisiguro na

‘Di pababayaan kahit na palihim pa lang ang pag-ibig ko

Maipadama ko lang sa’yo na sayo lang umiikot ang mundo kong ito

Hindi mo na kailangan pa na bantayan ang salitang duda kalimutan ‘yan

 

Pwede bang dito ka lang dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang malaman mo na may pagtingin ako sa’yo

Pwede bang dito ka lang  dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang na malaman mo na may pagtingin ako sa’yo oh ho

 

Pwede bang dito ka na lang sa aking puso mamalagi?

Mga kaalaman tungo sa kaharian sa isa’t isa ipamahagi

Nang magkasamang lumipad sa alapaap habang magkayakap

Palitan ng imahinasyon habang putol limitasyon

Ating plano tungo sa  mga pangarap

 

At ‘yun ay kung dito ka lang, dito kalang sa may tabi ko

At pwede bang hayaan  mo ‘kong gamutin

‘Yang mga sugat dyan sa puso mong hirap pagalingin

Dahil ikaw ang nagsilbing liwanag nang nasa dilim

Kaya mahal kita nang higit pa sa pagtingin kasi palihim

 

Pwede bang dito ka lang, dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang malaman mo na may pagtingin ako sa’yo

Pwede bang dito ka lang, dito ka lang sa may tabi ko

Gusto ko lang na malaman mo na may pagtingin ako sa’yo oh ho

 

 


More on Cash Koo