Caren Tevanny – Hiram


Heto nanaman tayo
Nakatago sa dilim
Di natin malaman
Kung ano ang gagawin
Mundong magkalayo
Hindi mapagtagpo
Tadhana talaga’y
Sadyang mapagbiro

Hanggang kailan kaya?
Puso’y mangangamba
Maghihintay na lamang ba?
Anong mapapala
Kung mali ang simula
Hiling ko’y makasama ka

Hiniram ka lang
Hiniram mo lang
San ba tayo nagkulang

Sa bawat sandali
Nagbabakasakali
Ito’y panaginip lamang
Ayoko ng malaman
Hiram na pagkakataon
Hinubog man ng panahon
Kung maibabalik ko lng ang kahaponHiniram ka lang

Hiniram mo lang
San ba tayo nagkulangKahit na nasasaktan
Patuloy kang minamahal
Sabihin man nahihibang
Patuloy kang hinihiram

Kahit na nasasaktan
Patuloy kang minamahal
Sabihin man nahihibang
Patuloy kang hinihiram.


More on Caren Tevanny