Caleb Santos – Wala Na


Umaasa pa rin na maibabalik
Ang tinangay ng hangin
Nanlamig na pag-ibig
Napagtanto na walang kahit sino
Ang papantay sa ‘yo
Ang sayang dulot ng yakap mo’y
Biglang naglaho

Hinahanap sa dilim
Ang pag-ibig na dati’y sa akin
Dapat nga bang ipaglaban
Kung wala na
Wala na

Bakit ‘di na lang sabihin
Aasa pa ba
Mas mabuti pang aminin
Kung wala na nga
Nalibot ko na ang mundo
Ngunit nagbabalik sa ‘yo
Ang sayang dulot ng yakap mo’y
Biglang naglaho

Hinahanap sa dilim
Ang pag-ibig na dati’y sa akin
Dapat nga bang ipaglaban
Kung wala na, wala na
Wala na

Ang ikaw na nakilala
Wala na
Ang lahat ng alaala
Wala na
Kahit na ipaglaban pa
Wala na, wala na
Wala na

Hinahanap sa dilim (sa dilim)
Ang pag-ibig na dati’y sa akin
Dapat nga bang ipaglaban (dapat nga bang ipaglaban)
Kung wala na, wala na
Wala na

Itong puso kong sakim
Ay walang lakas para tanggapin
Bumitaw ka na sa ‘kin
At wala na, wala na


More on Caleb Santos