Caleb Santos – Tinatangi


Sa ngiti mo nabighani
Parang ang daming sinasabi
Mga tingin mong mailap
Sa isip ko’y parang yakap
Minsan nakapagtataka
Ba’t ka nga ba kakaiba
May kwento kang ‘di ko alam
Pwede ko ba na malaman

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi

Isa kang palaisipan
Pangakong ‘di ka sasaktan
Pangarap na ‘di maabot
‘Wag ka sanang matatakot
Ikaw ay nais marating
Nang marinig mong awitin
Mundo mo’y pilit matanaw
Makita’ng tunay na ikaw

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Ang nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Ang nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi
Hanggang gabi

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Ang nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi

Sa dinamidami-dami
Ikaw lang ang tinatangi
Ang nasa isip lagi-lagi
Uma-umaga hanggang gabi

Uma-umaga hanggang gabi
Uma-umaga hanggang gabi
Uma-umaga hanggang gabi
Ikaw lang ang aking tinatangi


More on Caleb Santos