Bonblue, JPaul & Joshua Mari – Mahal Mo Pa Ba Ako


Palagi na lang laging tanong sa isipan ko

Kung ako pa ba’y  mahalaga kase parang wala nang

Nararamdaman ang puso mo sa katulad ko

Halos araw araw mo na lang akong inaaway ng walang dahilan

 

Sobrang sakit na ng nararanasan ko sayo

Tanong ko lang mahal mo pa ba talaga ako

Kasi di ‘to mangyayare satin kung tapat ang pag-ibig mo sa akin

At ayoko nang maramdaman itong sakit na ipinapadama mo

 

Sana’y bumalik yung dating pag ibig mo

Yan ang tanging hiling ko’t dinarasal ko

Kasi gumugulo sa isip ko at puso ko

At lagi nang nagtatanong kung mahal mo ba ako

 

Bakit ang sungit mo na sa akin hindi ka naman yung dating ganyan

Hindi natatapos ang araw natin na walang nagbabangayan

Matutulog na naman tayo ng walang nagkikibuan

Eh kase galit ako, galit ka din pa’no ‘to mapag uusapan

 

Sana’y bumalik yung dating pananabik

Yung sa ating dalawa’y pagka kinilig ka halos di ka makaimik

Ngunit ngayon ay nagbago  nawala na yung gana

Yung mga paglalambing mo sa’kin dati ay wala na

 

Napakadaya mo, sa halip na saya ang kapalit sakit ang ibinabalik mo

Hindi pa ba tama yung pagmamahal na pinapalit ko

Kinikimkim ko na lang ang sama ng loob na nanggagaling sayo

Baka kasi pag nailabas ko dismayadong sagot ang isasagot mo

 

Nasanay nakong ganito palagi, away bati  na lang lagi

Hindi ko na makita yung saya sayong mga pag ngiti

Ni hindi ko na mahalikan ang ‘yong matatamis na labi

Sana nga ay bumalik pa yung dati kasi hanggang ngayon ako’y nagbabakasakali

 

Sana’y bumalik yung dating pag ibig mo

Yan ang tanging hiling ko’t dinarasal ko

Kasi gumugulo sa isip ko at puso ko

At lagi nang nagtatanong kung mahal mo ba ako

 

Bakit hindi ibalik muli na manabik gaya ng dati

Tulad ng ating dalwa’y nakasanayan puro lang pagmamahal at kasiyahan

Tila parang nag iba pakikitungo mo di na rin ikaw yung nakilala ko

Wag ka namang ganyan dina kita sinasabayan, ‘yoko na humantong na ako ay hiwalayan

 

Umaasa na maaayos pa natin lahat ng gusot

Alam ko na balang araw ay darating yung punto na wala nang lungkot

Sa’ting dalawa, basta’t wag ka lang bibitaw

Tayo ang daan sa ating kapalaran kung itutuloy pa ba natin ang ating pagmamahalan

 

Sana’y bumalik yung dating pag ibig mo

Yan ang tanging hiling ko’t dinarasal ko

Kasi gumugulo sa isip ko at puso ko

At lagi nang nagtatanong kung mahal mo ba ako

 

Ohhh.. mahal mo pa ba ako woah…


More on BonBlue