Beyond The Sign – Apat Na Sulok


Tulala na naman sa bintana
At hindi ko ramdam kung anong araw na
Di alam kung kailan matatapos
At kay daming tanong na bumubuhos

Pwede bang wag ng mangamba?
Pwede bang sana’y mag iba?
Ang takbo ng istorya
Bukas ay di hihinto
Pilitin mang magtagpo
Ang apat na sulok ng ating mundo

Dumaan na naman ang mga araw
Pano sisimulan parang maliligaw
Bakit ba ngayong lang ‘to nakita?
Ngayon lang napansin ang tunay mong halaga

Pwede bang wag ng mangamba?
Pwede bang sana’y mag iba?
Ang takbo ng istorya
Bukas ay di hihinto
Pilitin mang magtagpo
Ang apat na sulok ng ating mundo

At kung parang mahuhulog na
Di na magtatagal araw ay muling sisikat
Lilipas din ang lahat

Pwede bang wag ng mangamba?
Pwede bang sana’y mag iba?
Ang apat na sulok natin

Pwede bang wag ng mangamba?
Pwede bang sana’y mag iba?
Ang takbo ng istorya
Bukas ay di hihinto
Pilitin mang magtagpo
Ang apat na sulok ng ating mundo

Tulala na naman sa bintana
At hindi ko ramdam kung anong araw na


More on Beyond The Sign