Benj Manalo and The Collective – Balikan

May magandang balita akong dala
Kaming dalawa’y nagkabalikan na
Binalik nya na gamit ko
Binalik ko na gamit nya
Sadyang may mga bagay lang talaga
Na hinding hindi na maibabalik pa
Di na maibalik ang lambing at kilig
Ang tamis ng halik at ng pananabik

Na muli pang magkikita
Para san ba kasi ‘tong mga drama
Kung magbabalikan lang ng gamit
Kung magsusumbatang paulit-ulit
Bakit ba kailangan pang ipilit
Kung puro lang hapdi at pait

Para san ba ‘tong pagkikita?
Para lang ba makibalita (Sa isa’t isa)
Kung sinong mas nangungulila sa ‘ming dalawa
O kung sinong mas umaasa na magkabalikan pa

Salamat sa lamat na ito
Sa naiwang marka sa puso ko
Natututo akong magtipid sa pag-ibig
Hanggang sa ako ay muling mabuo
Kaya sa pagkakataong ito
Sa aming muling pagtatagpo
Ay tinitiyak ko na wala nang muli
Ang huli ay huli desidido ako

Na tapusin na ang kwento
Na patuloy lang na lumalabo
Kung magbabalikan lang ng gamit
Kung magsusumbatang paulit-ulit
Bakit ba kailangan pang ipilit
Kung puro lang hapdi at pait

Para san ba ‘tong pagkikita?
Para lang ba makibalita (Sa isa’t isa)
Kung sinong mas nangungulila sa ‘ming dalawa
O kung sinong mas umaasa na magkabalikan pa

Salamat sa lamat
Kahit masakit mawasak
Tunay ngang mas marami kang
Mapupulot sa basag

More on Benj Manalo