Ben&Ben – Di Ka Sayang


Kahit ‘di mo sinasabi
Ramdam ko ang pagkukunwari
Akala’y masaya o parang may lungkot sa tawa
Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa’yong isipan
‘Di kailangan na buhating mag-isa

‘Di ka sayang
‘Di kailangang manghinayang
‘Di ka sayang
‘Di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong bakit na ‘di matuldukan
‘Di kailangan na buhating mag-isa

‘Di ka sayang
‘Di kailangang manghinayang
‘Di ka sayang
‘Di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita

Kahit talikuran ka nila
Tanggap kita
Bitawan na ang ‘yong pangangamba
‘Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyong nakaraan
‘Di kita iiwan

‘Di ka sayang
‘Di kailangang manghinayang
‘Di ka kulang
‘Di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita

Sarili ay mahalaga
Kahit pa anong tingin nila
Tanggap kita
Tanggap kita
Tanggap kita
Tanggap kita


More on Ben & Ben