Ben & Ben – Mitsa (Salamat)


Kay sarap bumalik sa mga masasayang alaala
Mailap na pag-ibig nating akala ay pinagpala
Ngunit di nagtagal ay nawala
Paulit-ulit na lang, inaabangang magkamali

Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil na’ng, kunwa-kunwari lang
Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na’ng
Salamat, salamat…

Kapag ubos na ang mitsa
Anumang sindi, mapupuksa
Ang galit ay lumipas na
Inanod ng mga luha
Damdamin ay lumaya

Pag wala na naman tayong nararamdaman
Ay mabuti pang itigil na’ng, kunwa-kunwari lang
Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na’ng
Salamat, salamat

Sa pagsapit ng gabi ng pinagsamahan
Ang puso’y tuturuan nang tumahan

Pag wala na naman tayong nararamdaman

Pag wala na naman din itong pupuntahan
Ay mabuti pang sabihin na’ng
Salamat, salamat, salamat, salamat… mahal


More on Ben & Ben