Ben & Ben – Araw-Araw


Umaga na sa ating duyan
Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, o mahiwaga

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso

Kaytagal ko nang nag-iisa
Andyan ka lang pala

Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa ‘yo’y malinaw

Higit pa sa ligaya
Hatid sa damdamin
Lahat naunawaan
Sa lalim ng tingin

Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa ‘yo’y malinaw

Sa minsang pagbaling ng hangin
Hinila patungo sa akin
Na tanging ika’y iibiging wagas at buo

Payapa sa yakap ng iyong hiwaga
Payapa sa yakap ng iyong…

Mahiwaga
Pipiliin ka
Sa araw-araw
Mahiwaga
Ang nadarama
Sa ‘yo’y malinaw

Mahiwaga
Wag nang mawala
Araw-araw
Mahiwaga
Pipiliin ka
Araw-araw


More on Ben & Ben